Pagbida ni Pacquiao sa biopic ni Miguel Malvar tinutulan ng kaanak | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagbida ni Pacquiao sa biopic ni Miguel Malvar tinutulan ng kaanak

ABS-CBN News
Published Oct 14, 2019 07:40 PM PHT

Hindi nakonsulta ang buong angkan ng bayaning si Miguel Malvar sa pagkakasarado ng isang biopic ukol sa bayani na pagbibidahan ni Sen. Manny Pacquiao, ayon sa kaanak nito.

Napili noon ng apo ni Malvar na si Jose Malvar Villegas si Pacquiao na siyang gumanap sa buhay ng bayani – ang pinakahuling heneral na sumuko sa mga Amerikano noong 1902.

Pero sa apo sa tuhod ni Malvar at filmmaker na si Gabriel, walang pahintulot ng buong angkan ang desisyon ni Villegas, batay sa kaniyang Facebook post.

Napagkasunduan na raw kasi na hindi dapat pulitiko ang kinuha para sa proyekto.
Napagkasunduan na raw kasi na hindi dapat pulitiko ang kinuha para sa proyekto.
ADVERTISEMENT
“A relative had unilaterally decided that he would enter into an agreement with outside parties to produce the Malvar film without the express consent of the entire clan,” ani Gabriel sa isang Facebook post.

Ikinatuwa pa noon ni Villegas ang pagpili kay Pacquiao, na tinawag niyang “reincarnation ng buhay ni Gen. Malvar.”

“Nakita ko pagkatao niya kay Pacquiao,” paliwanag ni Villegas.
Para kay Gabriel, kawalan daw ito ng respeto, at sasapaw ang pagiging personalidad ni Pacquiao sa buhay ng kaniyang lolo sa pelikula.

“If he plays lolo Miguel, the viewers will not be able to see and appreciate my grandfather. Senator Pacquiao's personality will dominate. And it would be disrespectful and a disservice to my great-grandfather if even in the movie about his life,” ani Villegas.
Pero giit ni Villegas, bahagi ng public domain ang buhay ng mga bayani gaya ni Malvar kaya hindi na kailangang kumonsulta sa lahat ng kamag-anak para maikasa ang proyekto.

Nagulat din si Pacquiao sa naging batikos sa pelikula.

"kasi hindi naman ako gumagawa ng movie ngayon pero because of this story, true to life story of Gen. Malvar tinanggap ko. Hindi ko naman alam na hindi sila nagkakasundo mga pamilya"

Tuloy pa rin ang production sa proyekto. Pinagpipiliin pa ngayon kung si Angel Locsin o Yassi Pressman ang gaganap bilang maybahay ni Malvar. --Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News