READ: Kabayan Noli De Castro statement on withdrawal of candidacy | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
READ: Kabayan Noli De Castro statement on withdrawal of candidacy

ABS-CBN News
Published Oct 13, 2021 09:17 AM PHT

Nitong mga nakaraang araw, taimtim kong pinag-isipan ang desisyong pagbalik bilang isang mambabatas. At kamakailan, naghanda ako sa posibilidad na pagtakbo sa pagka-senador sa darating na halalan.

Ang nag-udyok sa akin ay ang hangaring muling bigyan ng boses sa Senado ang ating mga kababayan, lalung-lalo na ang mga ordinaryong Pilipino, na ang tanging hangarin ay mabuhay ng maayos, payapa, at may dignidad sa gitna ng pandemya.

I-sinumite ko ang kandidatura sa COMELEC noong Biyernes. Ngunit, nagkaroon ng pagbabago ang aking plano.

Nais kong iparating sa lahat ng aking mga kaibigan at supporters na naghahanda na sanang tumulong sa akin, na nagpasiya akong hindi na ituloy ang aking kandidatura.

ADVERTISEMENT
Gayunpaman, HINDI PO NAGBAGO ANG AKING LAYUNIN AT HANGAD PARA SA BAYAN.

Kasabay ng pagdarasal sa Poong Nazareno, napag-isip-isip kong mas makatutulong ako sa pagbibigay ng boses sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahayag.

Binibigyang diin ko po, hindi nagbabago at magbabago ang ating layunin at hangad para sa bayan.

Patuloy tayong magiging boses ng ating mga kababayan, lalo na sa panahong katulad nito na ang boses na iyon ay nalulunod sa ingay ng pulitika at paggamit ng kapangyarihan para sa sariling interes ng iilan.

Nais ko pong magpasalamat kay Mayor Isko Moreno at sa mga bumubuo ng Aksyon Demokratiko sa ibinigay na tiwala at tulong sa akin sa unang araw pa lamang na maging miyembro ako ng Partido. Maraming salamat po.

At sa lahat ng nagtitiwala sa aking mga kabayan, maraming maraming salamat! Hawak ko sa aking puso ang ipinapakita ninyong pagmamahal, suporta, at tiwala.

Ituloy po natin ang pagtutulungan para sa mas malakas na boses ng bayan.

Salamat po mga kabayan!
Salamat po mga kabayan!
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT