Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga pamantasan, kolehiyo inilunsad | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga pamantasan, kolehiyo inilunsad

Pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga pamantasan, kolehiyo inilunsad

Vivienne Gulla,

ABS-CBN News

Clipboard

Pinangunahan nina Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang paglulunsad ng school-based COVID-19 vaccination sa Mabalacat City College sa Pampanga, Oktubre 13, 2021. Vivienne Gulla, ABS-CBN News
Pinangunahan nina Commission on Higher Education Chairman Prospero de Vera at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang paglulunsad ng school-based COVID-19 vaccination sa Mabalacat City College sa Pampanga, Oktubre 13, 2021. Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Pinilahan ng nasa 800 college students ang bakunahan kontra COVID-19 sa Mabalacat City College sa Pampanga Miyerkoles.

Bahagi ito ng school-based COVID-19 vaccination program na inilunsad para tutukan ang pagbabakuna ng mga tertiary student sa bansa.

Binuksan na kasi sa Pilipinas ngayong Oktubre ang COVID-19 vaccination sa general population at aprubado na rin ang limited face-to-face classes sa maraming degree program.

Isa sa mga nagpaturok ang second year education student na si Mark Lipalam, na hinikayat ang kaniyang mga kaklase na sana'y magpabakuna na rin.

ADVERTISEMENT

"Kailangan po talaga naka-vaccine para makaiwas tayo sa virus," ani Lipalam.

Sa Our Lady of Fatima University-Pampanga, higit 600 estudyante naman ang nagpabakuna.

Ayon sa Commission on Higher Education (CHED), sa 181 schools na lumahok sa limited face-to-face classes para sa medisina at allied health courses, wala pang 1 porsiyento ng mga mag-aaral ang nagka-COVID-19.

Nasa 1.41 porsiyento naman ang faculty members na nahawahan ng virus pero walang naopsital at namatay, na ayon sa CHED ay dahil na rin karamihan sa kanila'y bakunado.

"Dahil marami nang supply, wala nang dahilan na hindi magpabakuna- faculty, employees, estudyante," ani CHED Chairman Prospero de Vera.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa ngayon, higit kalahati ng higher education institutions na nag-report sa CHED ang nakapagbakuna na ng higit 75 porsiyento ng kanilang personnel, pero mayroon pa ring mga paaralan na nasa 30 porsiyento pa lang ang nababakunahan.

Base sa tala ng gobyerno, sa higit 87.6 milyong COVID-19 vaccine doses na dumating sa bansa, nasa 50.4 milyon pa lang ang naiturok na.

Umabot naman na sa 23.5 milyong indibidwal o 30 porsiyento ng target ang may kumpletong bakuna habang nasa 100 milyon COVID-19 vaccine doses pa ang hinihintay na dumating ngayong 2021.

Samantala, inirekomenda na ng advisory group ng World Health Organization (WHO) ang pagbibigay ng dagdag na COVID-19 vaccine dose sa mga immunocompromised na indibidwal.

Dapat ding bigyan ng ikatlong dose ang mga senior citizen na binakunahan ng Sinovac at Sinopharm.

ADVERTISEMENT

Pero ayon kay Galvez, hihintayin muna ng gobyerno ang pinal na rekomendasyon ng WHO bago maglabas ng desisyon kaugnay ng booster shots.

"Ang original plan namin sa third dosing, depending on the announcement, ang earliest is November 15 to early January," ani Galvez.

"Kung magkakaroon man tayo ng third dosing, uunahin muna natin ang health workers. Mayroon na tayong nakalaang bakuna para doon," dagdag niya.

— Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.