Tubero nahulihan ng 'shabu' sa loob ng police station sa QC

ABS-CBN News

Posted at Oct 13 2020 11:02 AM

MAYNILA - Arestado ang isang tubero matapos mahuling gumagamit umano ng droga sa loob ng Eastwood Police Station sa Quezon City. 

Ayon sa Quezon City Police Station 12, kinuha ang serbisyo ng suspek para ayusin ang sirang tubo sa kusina ng presinto. 

At habang nasa istasyon, nakita ng mga pulisya na may itinago ang suspek sa bulsa nito. 

Nang kapkapan, nakuha sa kaniya ang isang sachet ng hinihinalang shabu at isang lighter. 

Inaresto ang suspek pero tumangging magsalita kaugnay ng akusasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.