Operasyon ng EDSA Busway planong ipaubaya sa pribadong sektor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Operasyon ng EDSA Busway planong ipaubaya sa pribadong sektor

ABS-CBN News
Published Oct 12, 2022 08:03 PM PHT

MAYNILA - Plano ng mga awtoridad na isapribado ang operasyon ng EDSA Bus Carousel, sa harap ng inaasahang pag-alis ng Libreng Sakay program para sa nasabing serbisyo sa katapusan ng taon.

Balak ng Department of Transportation na ilapit muna ito sa Public-Private Partnership (PPP) center para tuluyang pag-aralan ang plano.

"Puwedeng magkaroon ng feasibility study at magiging basehan sa pag-progress natin sa EDSA Busway. Dapat may basehan ang gobyerno para ilunsad ang programang ito," ani Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark Steven Pastor.

"Pag may PPP, kaakibat nito ang pamumuhunan ng private sector para magkaroon ng mas maraming pondong ilalaan sa EDSA Busway at mai-improve din ang service," dagdag niya.

Nasa 30 grupo ang nananawagan ngayon na isapribado ang operasyon ng Bus Carousel -- pero kaakibat nito ang singilan ng pamasahe, ayon sa isa sa mga grupong nagsusulong ng privatization ng serbisyo ng bus carousel.

"This busway project is quite simple, and it is much less expensive than other mass transit system. Therefore, I don’t see conglomerates having to form a consortium. Any one of the existing conglomerates is capable of taking on this project on his own," ani Management Association of the Philippines (MAP) Transportation and Infrastructure Chairperson Eduardo Yap.

Giit naman ng MAP, dapat kapantay lamang o kaya mas mababa pa sa binabayaran sa MRT at LRT ang pamasahe sa busway.
"The busway costs much less than elevated trains, simply because the busway runs on existing right of way at ground level. So there is no reason for busway fares to be more expensive than train fares. That is why we recommended in the draft terms of reference we submitted to [DOTr] Secretary [Jaime] Bautista," ani Yap.

Kung magpatuloy, may kontrol pa rin ang pamahalaan sa usapin ng pamasahe.
Bukas din ang Philippine Chamber of Commerce and Industry sa ideyang privatization pero dapat umanong ayusin muna ang ilang sistema sa busway at siguruhing hindi ito magiging dagdag-pahirap sa mga commuter.

“Very few of the buses complied with reversing the side of the bus door. They are coming out of the side where the buses are passing," ani PCCI President George Barcelon.

Pero habang pinag-aaralan pang mabuti ang panukala, itutuloy lang umano ng DOTr ang planong pagdagdag ng mga bus stop at paglalagay ng mga lifter para sa mga senior citizen at person with disability.

Batay sa datos ng LTFRB, nasa 350,000 commuters ang sumasakay sa busway araw-araw.

Libre ang pamasahe ng busway hanggang Disyembre at aabot nang P10 milyon hanggang P11 milyon ang ibinabayad ng pamahalaan kada araw sa dalawang malalaking grupo ng bus operators na nagpapatakbo nito.
-- Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News