Mga dental clinic sa Cavite binalaan laban sa holdaper | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga dental clinic sa Cavite binalaan laban sa holdaper

ABS-CBN News
Published Oct 12, 2021 04:18 PM PHT
|
Updated Oct 12, 2021 07:53 PM PHT

Nagbabala ngayong Martes ang Bacoor police sa mga dental clinic laban sa isang lalaking holdaper na pinupuntirya umano ang mga klinika.

Ayon kay Police Lt. Janice de Guzman, public information officer ng Bacoor police, target talaga ng suspek na kinilalang si John Michael Romero ang mga klinika dahil kadalasan ay babae ang mga staff dito at wala ring security personnel.

Nakuhanan ng CCTV ang magkahiwalay na insidente ng panghoholdap ng suspek sa mga clinic sa Bacoor noong Oktubre 10 and 7.

Bagaman naka-face mask ang suspek sa parehong insidente, natukoy pa rin ang kaniyang pagkakakilanlan.
Bagaman naka-face mask ang suspek sa parehong insidente, natukoy pa rin ang kaniyang pagkakakilanlan.
ADVERTISEMENT
Dati nang naaresto si Romero sa kasong robbery hold-up sa Pasay pero dahil bailable, nakalaya ito, ayon sa pulisya.

Pinuntahan ng mga awtoridad si Romero sa address nito sa Pasay pero hindi na umano ito doon nakatira.

Ayon sa Bacoor police, pinaiikutan na nila ang mga clinic sa lugar para hindi na masundan pa ang mga insidente.

Pinayuhan din ng pulisya ang mga may-ari ng dental clinic na ugaliing i-lock ang pintuan para hindi basta-basta nakakapasok ang mga tao.

Gawin na lang din umanong by appointment ang serbisyo at ipagbawal muna ang mga kliyenteng walk-in.

— Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News
FROM THE ARCHIVES
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT