Lolo na sumobra ang bayad sa SSS higit 6 buwan naghintay ng refund
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lolo na sumobra ang bayad sa SSS higit 6 buwan naghintay ng refund
ABS-CBN News
Published Oct 12, 2019 06:57 PM PHT

MAYNILA — Isang lolo ang dumulog sa "Tapat Na Po" upang ireklamo ang umano'y mabagal na pagproseso ng Social Security System (SSS) sa pagbalik ng kaniyang sumobrang kontribusyon sa ahensiya.

Kuwento ng 64 anyos na si Mario Atienza, mahigit 1 dekada siyang naging overseas Filipino worker (OFW) sa Middle East kaya sigurado siyang kumpleto ang kaniyang hulog sa SSS.

Nang kukubrahin niya na ang kaniyang retirement benefit, napag-alaman na sobra-sobra pala ang naibigay niya.

"Siyempre tuwang-tuwa ako. Magagmit ko rin 'yun kasi 'yung bahay ko maraming tumutulo sa labas," sabi ni Atienza.
"Siyempre tuwang-tuwa ako. Magagmit ko rin 'yun kasi 'yung bahay ko maraming tumutulo sa labas," sabi ni Atienza.
ADVERTISEMENT
Pebrero nagsumite ng mga dokumento si Atienza para sa refund pero umabot na ng kalahating taon ay hindi pa rin naibibigay ang kaniyang sobrang hulog.

"Iyung frustration na nag-follow up ka tapos walang definite answer na makukuha mo talaga. Kahit ako na personal na mag-follow up wala silang suggestion sino kakausapin ko," hinaing ng senior citizen.

Idinulog ng Tapat Na Po sa SSS ang problema at katuwiran nila ay inaayos pa muna kasi ang retirement benefit ni Atienza.

"Nanghihingi kami ng konting pasensiya... Iyung refund na 'yun maibibigay sa miyembro after ma-settle 'yung kaniyang retirement application," paliwanag ni Lucrecia Martinez, acting head ng SSS Member Communications Assistance Department.

Sa wakas, noong Setyembre 27 ay naiabot na kay Atienza ang kaniyang inaasam na refund.

Sa mga konsumer na nais magpadala ng reklamo, mag-post lamang sa Facebook page ng Tapat Na Po.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT