Lolo, nahulihan ng mga 'sanglang' baril sa La Union | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lolo, nahulihan ng mga 'sanglang' baril sa La Union

Teomar Bautista,
ABS-CBN News
Published Oct 12, 2017 08:58 AM PHT

Isang 72-anyos na lalaki ang inaresto ng awtoridad matapos na mahulihan siya ng pitong baril Miyerkules ng umaga sa La Union.

Kinilala ang inaresto na si Victor Gallardo ng Barangay San Juan, Agoo.

Sa bisa ng search warrant, nakumpirma ng mga pulis na may itinatago itong mga baril at mga bala na walang lisensya. Nakuha mula sa kanya ang 4 na magnum .357, dalawang kalibre .38, isang kalibre .22 na rifle at cartridge na naglalaman ng mga bala ng iba't-ibang baril.

“May mga ano raw sa kanya, may mga nagsangla and then yung tatlong klase ng bala, naiwan raw sa kanyang kapatid na dating nasa armed forces," sabi ni Chief Inspector Roy Villanueva.

ADVERTISEMENT
Lumabag si Gallardo sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sa ilalim ng Section 41 ng naturang batas, bawal ang paglipat o pagbigay ng firearms na walang lisensya sa isang indibidwal.

Nakasaad din dito na maaring patawan ng anim na buwan hanggang anim na taon na pagkakakulong ang lalabag sa batas.

Nasa kustodiya na ng Agoo Municipal Station ang suspek.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa media ang suspek.