'Bato' umaming aatras sa halalan sa 2022 kung tatakbo si Sara Duterte | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Bato' umaming aatras sa halalan sa 2022 kung tatakbo si Sara Duterte

ABS-CBN News
Published Oct 11, 2021 07:07 PM PHT

MAYNILA — Ikinuwento ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa ang istorya sa likod ng kanyang naging paghahain ng certificate of candidacy (COC) bilang standard bearer ng PDP-Laban Cusi wing nitong nakaraang linggo.

Rebelasyon ni Dela Rosa, noong Biyernes, huling araw ng COC filing, ay saka pa lang niya nalaman na siya ang gagawing manok ng PDP-Laban bilang presidential bet.

"Tinawagan ako 3:00 in the afternoon, na pumunta sa Sofitel para mag-file ng COC... Ang sabi sa akin ng liderato ng PDP-Laban na si Secretary Cusi, eh wala na tayong nakikita na puwedeng magpapatuloy sa legacy ni President Rodrigo Duterte na iiwan kundi [ako]... Totoo 'yun, nabigla ako. Sino ba ang hindi magulat," ani Dela Rosa.

Kahit pamilya niya aniya, nagulat din.
Kahit pamilya niya aniya, nagulat din.
ADVERTISEMENT
Paliwanag ni Dela Rosa, gusto niya ring pamunuan ang bansa at ituloy ang mga programa ni Duterte, kasama na ang tokhang.

Gayunman, aminado si Dela Rosa na baka biglang mabago ang estado niya bilang kandidato bago mag-November 15, ang huling araw ng substitution ng mga kandidato.

Dagdag niya, oras na tumakbo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang pangulo, buong loob siyang susuporta.

"By all means I will withdraw at papalit siya," ani Dela Rosa.

Pero ang election watchdog na Legal Network for Truthful Elections (LENTE), may mga nakikitang isyu sa biglang pagpasok sa eksena ni Dela Rosa.

"Mas lalo itong pagbaba ng tingin ng mga Pilipino sa mga political parties, pangalawa, parang hindi na sineseryoso," ani LENTE executive director Rona Caritos.

—Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPh
Tagalog news
balita
TV Patrol
TV PATROL TOP
COC
Ronald Bato dela Rosa
Ronald dela Rosa
PDP-Laban
Cusi wing
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT