'Quarantine, online learning may epekto sa mental health ng mga bata' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Quarantine, online learning may epekto sa mental health ng mga bata'

ABS-CBN News
Published Oct 11, 2020 03:28 PM PHT
|
Updated Oct 11, 2020 06:18 PM PHT

Napansin ni Ana Sapilan na naging bugnutin ang 7 anyos niyang anak na si Devon.

Hindi na kasi ito nakalalabas ng bahay at nakakapaglaro kasama ang ibang bata mula nang isailalim sa quarantine ang Metro Manila.

“Nagiging malungkot na sila. Tapos, ano, ayaw na nang na-iistorbo sa pag-aaral nila... Lagi nang bugnutin. Ganoon palagi. Minsan, kapag inuutusan ko, nakasimangot na,” ani Sapilan.

Kasabay ng paggunita sa World Mental Health Day noong Sabado, nagpaalala ang mga eksperto na mahalagang tutukan ang mental health ng mga bata dahil delikado at pangmatagalan ang maaaring maging epekto nito.

ADVERTISEMENT
"Kailangan inoobserbahan natin ang mga bata. Kailangan kinakausap natin sila," ani Wilma Banaga, advisor for child protection ng Save the Children Philippines.

May epekto rin umano ang online learning sa mga bata. Kaya nanawagan ang grupo sa mga magulang at guro na tiyaking masigla ang mental health ng mga bata.

Kasama na rito ang pagpapatupad aniya ng "positive discipline."

"Ang pagdidisiplina ay pagtuturo sa mga bata ng tamang asal, ng skills, ng values, at pagpapakita sa kanila ng pagmamahal," ani Banaga.

Ayon sa World Health Organization-Philippines, umaabot sa higit 3 milyong Pilipino ang nakararanas ng mental, neurological at substance use disorder sa unang bahagi pa lang ng taon.

Kaya nagpaalala si Dhanika Garcia, secretary-general ng MentalHealthPH, na huwag mahiyang kumonsulta kung nakararanas ng problema.

"'Wag kang mahiyang lumapit sa mental health professionals. Hindi kahinaan ang paghingi ng tulong," ani Garcia.

Sa mga nangangailangan ng counselling, maaaring makipag ugnayan sa National Center for Mental Health Crisis hotline sa mga sumsunod na numero:

National Center For Mental Health Crisis Hotline
[bullets]
0917-899-8727
(02)7-989-8727
1553

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
mental health
COVID-19
blended learning
online learning
edukasyon
COVID-19 pandemic
children
Save the Children
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT