Radio commentator, sugatan sa pamamaril sa Tagum | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Radio commentator, sugatan sa pamamaril sa Tagum

Claire Cornelio,
ABS-CBN News
Published Oct 11, 2019 09:54 PM PHT

TAGUM CITY—Nakaligtas sa ambush ng mga hindi pa kilalang salarin ang isang radio commentator sa Barangay Visayan Village sa lungsod na ito Biyernes.

Sugatan sa likod si Pat Lucero Pacquiao matapos madaplisan ng bala nang siya ay pagbabarilin habang nasa loob ng kaniyang sasakyan.

Ayon kay Pacquiao, galing siya sa kaniyang radio station, 99.9 RPFM, at papunta siya sa kaniyang ibinebentang bahay sa barangay dahil may gustong tumingin. Nang dumating siya sa harap ng gate ng bahay, bigla na lang siya pinaputukan ng baril.

Pinatakbo ni Pacquiao ang kaniyang sasakyan palayo habang siya ay pinagbabaril ng isa sa mga suspek hanggang tumakas na ito sakay sa motorsiklo, kasama ang isa pa.

"Siguro tumingin siya sa akin. Di ko makita ang facial expression, nakatakip kasi ng handkerchief. Nakasuot din siya ng sombrero, at lumakad naman agad siya. Nagkatinginan kami," ani Pacquiao.

Sa imbestigasyon, posibleng sinundan si Pacquiao ng mga responsable at nang makatiyempo, ay pinagbabaril na ito.

May nakuha na CCTV footage ang pulisya kung saan nakita ang mga responsable sa kanilang pagtakas matapos ang insidente.

"Tinitingnan natin 'yung pagiging public information officer niya sa Davao Del Norte. At the same time may-ari siya ng radio station at anchorman sa local station dito sa Tagum City. Isa 'yan sa mga tintingnan natin kung ano'ng rason bakit s'ya tinambangan," ani Police Lt. Col. Ariel Acala, hepe ng Tagum City Police.

Kinondena naman ng KBP Davao Del Norte-Comval Chapter ang pananambang kay Pacquiao lalo't ipinagdidiwang nila ang Press Freedom Month.

Read More:
Regional news
Tagalog news
Tagum
Davao del Norte
press
media
radio commentator
Pat Lucero Pacquiao
ambush
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT