Panelo umangkas, sumakay ng 3 jeep pa-Malacañang; biyahe umabot nang 4 oras | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Panelo umangkas, sumakay ng 3 jeep pa-Malacañang; biyahe umabot nang 4 oras

ABS-CBN News
Published Oct 11, 2019 03:29 PM PHT
|
Updated Oct 11, 2019 07:29 PM PHT

MAYNILA - Inabot ng halos apat na oras ang biyahe ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo papuntang Malacañang, sa pagtanggap niya ng hamon ng ilang grupo na mag-commute nitong Biyernes.

Sa kabila nito, nanindigan ang tagapagsalita ng pangulo na walang transport crisis, gaya ng giit ng ilang opposition groups. Maaalalang sinabi ni Panelo na walang transport crisis sa kabila ng iniindang matinding trapiko ng mga commuter sa Kamaynilaan.

Pasado alas-5 ng umaga, nagpadala ng litrato si Panelo na may hawak na diyaryo habang nakasakay sa jeep, bilang patunay na ginawa niya ang hamon ng Anakbayan at Kilusang Mayo Uno.

Mula alas-5:15 ng umaga, naghintay ng jeep si Panelo sa Concepcion, Marikina, batay sa kuha ng isang netizen.

ADVERTISEMENT
Sinubukan niya ring umiwas sa mga reporter na sumubok na i-dokumento ang kaniyang pagcommute. "I don't want to make any spectacle to this," aniya sa panayam sa "DZMM."

Tatlong jeep mula Marikina City hanggang Quezon City ang nasakyan ni Panelo bago siya mamataan ng ilang reporter sa Cubao Station ng Light Rail Transit - 2 (LRT-2).

Nangako noon si Panelo na gumamit ng jeepney at LRT papuntang Malacañang. Pero napilitang mag-jeep pa-Mendiola sa Maynila si Panelo nang makahabol ang ilang reporter sa kaniya sa Gilmore Avenue.

Nakarating sa loob ng 30 minuto si Panelo sa Mendiola mula Cubao at nakatanggap ng alok na sakay ng motorsiklo mula sa isang taga-Batangas.

Nakarating si Panelo sa Malacañang bandang alas-8:46 ng umaga. ilang minutong lagpas sa kaniyang target arrival na alas-8:30.

Aminado si Panelo na nahirapan siya pero inasahan naman daw niya ito.

"Hindi mo kailangan sumakay para maranasan kasi matagal na natin.. Given na iyon eh kapag may problema sa traffic lahat dadanas, nakasakay ka sa jeep, sa LRT o sa kotseng naka-aircon na, magdaranas ka rin," ani Panelo.

Nanindigan din siyang walang transport crisis, sa kabila ng pahayag ng mga opposition group.

"“Mayroong traffic crisis pero hindi transportation crisis kasi when you say transportation crisis wala ka ng sinasakyan, paralyzed ang buong traffic,” aniya.

Dumepensa rin si Panelo sa pahayag niyang dapat gumising nang maaga ang mga commuter. Giit niya, dapat lang daw maging "creative" (malikhain) ang mga Pinoy para hindi ma-late sa pupuntahan.

Kinikilala naman aniya ng gobyerno ang problema sa public transport at ginagawan naman daw ito ng paraan ng gobyerno.

'BAGSAK PA RIN'
Para kay Bagong Alyansa Makabayan (BAYAN) Secretary-General Renato Reyes, isa sa mga nanghamon kay Panelo, patunay ang haba ng biyahe ni Panelo na may krisis sa transportasyon.

Sa kabila nito, sinabi ni Reyes na "bumagsak" si Panelo sa hamon nila. Hindi raw kasi nito nararamdaman ang kalbaryong dinaranas ng mga commuter.

Dagdag pa ni Reyes, hindi sumunod si Panelo sa patakaran ng hamon.

"Hindi naman niya ginawa yung normal na dinadaanan ng mga pasahero. Hindi siya pumila, hindi naglakad sa sobrang trapik gaya ng ginawa namin, pa-effect lang ginawa niya, bagsak siya sa challenge," ani Reyes.

Pero ani Reyes, umaasa siyang makikita ng gobyerno ang krisis sa transportasyon sa bansa.

-- May ulat nina Joyce Balancio, Arianne Merez, Doris Bigornia, at Pia Gutierrez, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
Panelo
commuter
transpo crisis
transportation crisis
Salvador Panelo
transportation
transportasyon
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT