Bukod sa isda: Mga tahong natagpuang palutang-lutang sa Manila Bay | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bukod sa isda: Mga tahong natagpuang palutang-lutang sa Manila Bay

Zhander Cayabyab,
ABS-CBN News
Published Oct 11, 2019 06:57 PM PHT
|
Updated Oct 12, 2019 12:58 AM PHT

(UPDATE) Bukod sa mga isdang natagpuang patay noong Huwebes ng umaga, napag-alaman na "patay" na rin kaya lumutang din maging ang mga tahong sa isang bahagi ng Manila Bay na sakop ng lungsod ng Parañaque.

Hinala ng mga mangingisda, posibleng dahil ito sa alig o bacteria na nasa tubig.

Nakakapagtaka na maging mga tahong ay apektado dahil sa mataas ang resistance nito sa mga toxic substances, sabi ni Parañaque City Agricultural Office officer-in-charge Nilo Germedia.

Pero nitong Biyernes, naglabas na ng pahayag ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at sinabing mababang antas ng oxygen at mataas ang lebel ng ammonia at phospates sa tubig ang nakitang dahilan ng pagkamatay ng mga isda.

Base ito sa 3 samples na kinuha ng ahensiya sa San Dionisio at Bay City sa Parañaque.

Ang mga kemikal na ito, sa mataas na antas, ay maaaring maging sanhi ng pagpatay sa isda at iba pang lamang dagat.

Patuloy naman ang ginagawang paglilibing ng mga natagpuang patay na isda.

—Ulat nina Zhander Cayabyab at Fred Cipres
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT