Lola, pinutulan ng kamay, binti matapos masagasaan ng PNR tren

ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2019 06:47 PM | Updated as of Oct 11 2019 07:01 PM

MAYNILA - Isang 72-anyos na lola ang nasagasaan ng tren sa Vito Cruz, Sta. Ana dito sa lungsod, Biyernes.

Ayon kay Joseline Geronimo, spokesperson ng Philippine National Railways (PNR), tumatawid sa riles sa nasabing lugar si Delia Cercado nang mabangga siya ng tren.

Paparada na dapat ang tren sa istasyon ng PNR sa Vito Cruz nang biglang tumawid ang biktima.

Ayon kay Geronimo, hindi narinig ng biktima ang malakas at paulit- ulit ng busina ng ten.

Matinding pinsala ang natamo ng matanda sa kanyang kanang binti at kamay, kaya't kinailangan itong putulin ng mga umasikasong doktor.

Paliwanag ni Geronimo, ang riles ng tren ay off-limits sa publiko.

Nakikipag-ugnayan na ang pamunuan ng PNR sa Makati Medical Center para alamin ang sitwasyon ng biktima.

- Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.