Ginang naputulan ng kamay, 4 iba pa sugatan sa pagsalpok ng jeep sa puno | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ginang naputulan ng kamay, 4 iba pa sugatan sa pagsalpok ng jeep sa puno

ABS-CBN News
Published Oct 11, 2019 05:30 PM PHT
|
Updated Oct 11, 2019 06:51 PM PHT

Editor's Note: Unang nabanggit sa istorya na aabot sa 40 ang nasugatan sa aksidente. Kami ay humihingi ng paumanhin sa pagkakamali.

Sugatan ang 4 katao matapos bumangga sa puno ang isang jeep sa Lambunao, Iloilo.

Karamihan sa mga nakasakay ay mga cub scout na papunta sana sa District Boy Scout Rally sa Calinog, Iloilo. Lulan ng jeep ang aabot sa 40 tao.

Sa tindi ng aksidente, naputulan ng kamay ang isang nanay na nakasakay sa jeep.

Ayon sa driver ng jeep, nawalan umano ng preno ang sasakyan kaya para mapatigil, agad niyang iniliko sa puno.

ADVERTISEMENT
Isinailalim na sa stress debriefing ang mga cub scouts na nakasakay sa jeep.

Nakakulong ang driver ng jeep at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injuries and damage to property.

-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News
-- Ulat ni Cherry Palma, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT