20 bahay, naabo sa sunog sa Boracay

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Oct 11 2019 12:02 AM

 

MALAY, Aklan - Nasa 20 bahay ang naabo sa sunog na sumiklab pasado als-5 ng hapon Huwebes sa Barangay Balabag sa Boracay island.

Ilan sa mga bahay na nasunog ay ginagamit na boarding house.

Umabot sa 25 pamilya ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumagal ng halos isang oras.

Isa ang naiulat na nasaktan sa insidente.

Iniimbestigahan pa ng Boracay Fire Station kung saan nanggaling ang apoy at kung ano ang dahilan ng pagsiklab ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.