Mangingisda, patay sa pag-atake ng buwaya sa Palawan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mangingisda, patay sa pag-atake ng buwaya sa Palawan

Mangingisda, patay sa pag-atake ng buwaya sa Palawan

Lynette dela Cruz,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 10, 2019 12:44 AM PHT

Clipboard

Sa bibig mismo ng napatay na buwaya nakuha ang bangkay ng sinakmal nitong tao. Larawan mula sa Palawan Police Provincial Office

BALABAC, Palawan (UPDATE) - Patay na nang makuha ang isang 20-anyos na lalaki nitong Martes matapos sakmalin ng buwaya sa Sitio Caguisan, Barangay Salang dito sa bayan.

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, habang sakay ng bangka at nanghuhuli ng pusit si Junick Husin at isang Edgar Legazpi ay bigla nilang nabangga ang buwaya. Tumaob ang bangka at dito inatake ng buwaya si Husin.

"Dahil malaki itong buwaya ay tumaob po yung kanilang bangka at pagkataob nitong bangka, nasakmal po itong isa, itong biktima," sabi ni Police Major Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office

Agad namang lumangoy si Legazpi palayo para humingi ng tulong.

ADVERTISEMENT

Sinundan ng mga residente ang buwaya na nakitang kagat-kagat pa ang biktima.

Napatay ang buwaya at saka pa lang nila tuluyang nakuha sa bibig nito si Husin.

"Opo, nakuha po sa bibig at talagang eventually po ay pinatay po nila itong buwaya para po makuha ito pong biktima na ito,” sabi ni Ramos.

Ito na ang pang-limang insidente na may namatay sa pag-atake ng buwaya ngayong taon sa magkakaibang barangay sa Balabac.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.