Bagong silang na sanggol, natagpuan sa simbahan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa simbahan

Bagong silang na sanggol, natagpuan sa simbahan

Fay Virrey,

ABS-CBN News

Clipboard

Sa isang kulay asul na ecobag iniwan ang sanggol na pinaniniwalaang ipinanganak ng premature o wala pang pitong buwan. Larawan mula kay Jena Formeloza.

NAGCARLAN, Laguna – Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang nakasilid sa isang ecobag sa may simbahan sa nasabing bayan.

Sa video na kuha ni Jena Formeloza sa may patio ng simbahan makikitang pinagkakaguluhan ng mga tao at mga traffic enforcer ang isang asul na ecobag kung saan laman nito ang isang sanggol.

Agad dinala sa ospital ang sanggol pero mahina na siya, ayon sa isa sa mga sumuring duktor.

“Simula nang dalhin siya, medyo mababa, very low, nasa 32 degrees lang siya. Ang normal [body temperature] natin for a newborn should be at least 36.5 to 37.5 so since very low, nagkakaroon tayo ng hypothermia," sabi ni Dr. Maria Melisa Buenaseda-Tan.

ADVERTISEMENT

Mula alas-12 ng tanghali nang dalhin ang sanggol sa ospital hanggang ala-otso ng gabi, walang-tigil ang pagmo-monitor ng staff ng ospital sa kalagayan ng sanggol. Pero dahil sa posible umanong patuloy na panghihina nito ay bumigay na ang kaniyang katawan bago mag alas-9 ng gabi.

“Hindi na rin kinaya nung katawan niya sobrang preterm si baby mga 27 to 28 weeks old pa lang. Less than 7 months pa lang siya nung maipanganak ng mommy," dagdag ni Tan.

Wala naman daw nakapansin kung sino ang nag-iwan sa sanggol kaya patuloy ang ginagawang tracking ng pulisya.

“We will review the CCTV in the Nagcarlan area kung saan nanggaling at paano nakarating doon yung sanggol,” sabi ni Police Inspector Christopher Reaño

Dahil sa pag-abandona sa sanggol, posibleng harapin ng mga magulang nito ang kasong paglabag sa Child Youth and Welfare Code kapag matukoy na sila ng pulisya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.