Tubo ng tubig pumutok sa EDSA-Mo. Ignacia | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tubo ng tubig pumutok sa EDSA-Mo. Ignacia

Tubo ng tubig pumutok sa EDSA-Mo. Ignacia

ABS-CBN News

Clipboard

Bumagal ang trapiko sa kanto ng EDSA at Mother Ignacia Avenue sa Quezon City makaraang pumutok ang tubo ng tubig doon, Lunes.

Dakong alas-4:45 ng umaga namataan ang bahagyang pagbagal ng mga sasakyan sa lugar dahil sa madulas at basang kalsada, sabi ni traffic officer Jeffrey Torres.

Kinumpirma ng Manila Water District na pumutok ang tubo sa lugar kaya maituturing na emergency leak ang insidente.

Nawalan anila ng tubig ang ilang lugar sa Barangay South Triangle, Quezon City dahil sa leak. Ilang residente naman ang nagreklamong marumi ang tubig mula sa kanilang mga gripo.

ADVERTISEMENT

Nahirapan din ang ilang komyuter na tumawid ng kalye dahil sa malakas na pagdaloy ng tubig.

Humina na pero hindi pa rin naaampat ang pagbulwak ng tubig, dakong alas-8 ng umaga.

Kailangan pang makipag-ugnayan ng Manila Water District sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para maayos ang tubo dahil posibleng isara ang isang lane sa EDSA-Mo. Ignacia.

-- May ulat nina Arra Perez at Kristine Sabillo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.