1 patay sa sunog sa Muntinlupa; 50 pamilya apektado | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
1 patay sa sunog sa Muntinlupa; 50 pamilya apektado

ABS-CBN News
Published Oct 09, 2016 10:44 AM PHT
|
Updated Oct 09, 2016 11:17 AM PHT

MANILA - Isa ang patay matapos ang sunog na tumupok sa 30 bahay sa Bayanan, Muntinlupa City, Sabado ng gabi.

Hindi nakalabas sa nasusunog niyang bahay sa Block 10 ang biktimang si Gilyer Cinco dahil namamaga umano ang mga paa nito, ayon kay City Fire Marshall Superintendent Gilbert Dulot.

Sumiklab ang sunog mula sa bahay ng biktima matapos umano nitong matabig ang isang gasera, dakong alas-10 ng gabi.

Nasa 50 pamilya ang naapektuhan ng sunog na umabot sa ika-limang alarma bago naapula pasado hatinggabi.

ADVERTISEMENT
Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang halaga ng napinsala ng sunog. -- Ulat ni Hajji Kaamiño, DZMM