P750 wage hike sa Hong Kong, ikinatuwa ng mga OFW | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
P750 wage hike sa Hong Kong, ikinatuwa ng mga OFW

Apol Mabini | TFC News
Published Oct 08, 2022 08:08 AM PHT

Tumuntong na sa HK$4,730 o 750 pesos ang wage hike para sa mga domestic workers sa Hong Kong, ayon na rin ito sa anunsyo ng Hong Kong government noong September 30, 2022.

Ayon pa kay Department of Migrant Workers o DMW Sec. Susan Ople ang nasabing dagdag sahod ay malaking tulong sa mga Pilipinong “kasambahay” sa syudad.

"The increase in pay comes after a two-year wage freeze in HK due to the Covid-19 pandemic. At this time of rising prices due to a stronger US dollar, this new minimum wage hike is a boon to our kasambahays in HK," ayon kay Sec. Ople.

Sa datos ng DMW, pumapatak ang minimum wage ng mga kasambahay sa Zamboanga Peninsula sa P3,500, P5,500 naman sa Central Visayas habang P6,000 sa Metro Manila samantalang ang pagtataas ng Minimum Allowable Wage o MAW sa Hong Kong ay mangangahulugang sisweldo ng HK$4,730 o P35,475 ang mga Pilipinong domestic workers sa syudad kasama na ang food allowance. Epektibo na ang wage hike sa Hong Kong noong October 1, 2022.

Kung ikukumpara naman sa Taiwan, ang isang foreign domestic worker ay kumikita ng NT$20,000 o katumbas ng P37,200 habang sa Singapore pumapatak sa SGD600 o P24,659.

Umani ng positibong reaksyon mula sa Filipino community sa Hong Kong ang nasabing wage hike.

“Sa panahon ng pandemic ay kailangan natin tanggapin kung ano ang ibinigay ng Hongkong Government tungkol sa salary at kailangan din unawain ang ating employer sa panahon na naapektuhan ng kanilang negosyo. Kaya kailangan natin magpasalamat sa kanila na kahit tumaas ng kaunti ay malaking bagay ito sa ating lahat,” pahayag ni Bicol Migrants HK Association Founder Chairman Arthur Buban.

Maging ang mga OFW, ikinatuwa ang dagdag pasahod.

“Malaking bagay po na nataasan muli ang Minimum Wage at Food Allowance ng foreign domestic worker. Sa panahon ng pandemya 2-taon po na walang dagdag ang sahod dahilan po sa pandemya sa buong mundo na naging dahilan na maapektuhan ang mga negosyo, turismo at iba pang bansa,” ani ng OFW na si Marites Nuval, kasapi ng La Union Federation of Hongkong.

Ayon pa sa Philippine Overseas Labor Office in Hongkong o POLO-HK, may 188,171 OFWs sa syudad nitong katapusan ng August 2022, base na rin sa datos ng Hongkong Immigration Department.

Source: DMW
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT