2 Chinese timbog sa tangkang panunuhol sa pulis sa Makati | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 Chinese timbog sa tangkang panunuhol sa pulis sa Makati

2 Chinese timbog sa tangkang panunuhol sa pulis sa Makati

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 09, 2019 07:22 PM PHT

Clipboard

MAYNILA (UPDATE) —Arestado ang 2 lalaking Chinese na nagtangka umanong manuhol sa pulis kapalit ng pagpapalaya sa 6 nilang kasamahan na naaresto sa raid sa hotel sa Makati.

Kinilala ang mga suspek na sina Zhao Xiuquiang, 32, at Fan Jianping, 23.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naganap ang umano’y panunuhol nitong Martes sa opisina ni Police Maj. Gideon Ines, hepe ng investigation section ng Makati City police.

Kuwento ni Ines, inilapag ni Xiuquiang ang P1.3 million sa kaniyang mesa at sinabing kapalit ito ng hindi pagtuloy ng kaso laban sa 6 nitong kaibigan na nakakulong.

ADVERTISEMENT

Nagdala rin ng karagdagang P400,000 si Jianping. Sa kabuuan, P1.7 million na halaga ang pilit inabot sa pulis.

Kasama ang 6 na Chinese sa 20 banyagang inaresto nang salakayin ng Makati City police ang isang hotel sa Barangay Poblacion noong Lunes na sangkot umano sa prostitusyon.

Nasagip din sa operasyon ang 35 babaeng Chinese na ibinubugaw umano sa kapuwa Chinese.—Ulat nina Jeffrey Hernaez at Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.