Labor mobility mapapadali sa pag-alis ng kafala system sa Qatar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Labor mobility mapapadali sa pag-alis ng kafala system sa Qatar

Labor mobility mapapadali sa pag-alis ng kafala system sa Qatar

Aleta Nieva Nishimori,

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 07, 2020 11:14 PM PHT

Clipboard

File/Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Malaki ang paniwala ng Philippine Overseas and Employment Administration (POEA) na mababawasan ang welfare cases sa pagtanggal ng bansang Qatar sa “kafala system”, ayon sa pamunuan nito ngayong Miyerkoles.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, mas mapapadali na ang magiging galaw ng mga overseas Filipino workers sa pag-alis ng sponsorship system na ito.

“Dahil sa pagtanggal ng kafala system, ibig sabihin nito, lumuwag yung labor migration, yung labor mobility. Ibig sabihin, kung gusto na niyang umalis, gusto na niyang lumipat, gusto niyang umuwi, makakauwi siya dahil ‘di na kinakailangan yung exit permit,” sabi ni Olalia sa virtual press briefing ng Department of Labor and Employment.

Ang kafala ay employment sponsorship system na ginagamit para ma-monitor ang mga migrant workers na nagtatrabaho sa construction at domestic sector sa Gulf Cooperation Council member states at sa Bahrain at Kuwait.

ADVERTISEMENT

Sa ilalim ng sistema, kinakailangang kumuha muna ng permiso ang OFW mula sa kanilang employers kung nais nilang lumipat ng trabaho o umuwi ng Pilipinas.

Ayon sa International Labor Organization, na-adopt ng Qatar ang Law No. 19 of 2020 noong ika-30 ng Agosto na nagpapahintulot sa mga migrant workers doon para lumipat ng trabaho bago matapos ang kanilang kontrata, nang hindi na kinakailangang kumuha ng No Objection Certificate (NOC) mula sa kanilang mga amo.

"This new law, coupled with the removal of exit permit requirements earlier in the year, effectively dismantles the 'kafala' sponsorship system and marks the beginning of a new era for the Qatari labor market," sabi ng ILO.

“Maganda yun. Ito po yung magbibigay-daan para mabawawan yung ating welfare cases doon,” tugon ni Olalia.

Nasa 241,000 ang OFWs na nagtatrabaho sa Qatar. Ang Qatar ay ang ikaapat na destinasyon ng OFWs sa Middle East kasunod ng Saudi Arabia, United Arab Emirates at Kuwait.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.