Guro ibinahagi ang hirap ng online class para sa special education students | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Guro ibinahagi ang hirap ng online class para sa special education students

Guro ibinahagi ang hirap ng online class para sa special education students

Zhander Cayabyab,

ABS-CBN News

Clipboard

Ibinahagi ng isang guro ang aniya'y dobleng hirap sa pagtuturo sa mga special education (SPED) student ngayong "new normal."

Ayon kay Kurt Achay, na isang dekada nang SPED teacher, sign language kasi ang gamit niya sa pagtuturo, kaya kailangang katabi ng estudyante ang kanilang magulang para hindi maagaw ng ibang bagay ang kanilang atensiyon.

"Isang lingon lang nila ay maaaring mahuli na sila sa lesson. Isang lingon lang nila sa kaliwa, isang lingon lang nila sa kanan, maaring hindi nila masundan ang aking sinisenyas," ani Achay, na nagtuturo ng mga estudyanteng may autism, mentally challenged, at bingi.

"'Yong iba po sa kanila, binabasa kung ano ang nasa bibig ko," aniya.

ADVERTISEMENT

Sa kabila ng kahirapan, nananatiling positibo si Achay.

"Malalagpasan natin ito dahil darating ang time na lilingon po tayo at masasabi natin na nagtagumpay tayo at napagtagumpayan natin ang pandemyang ito," ani Achay.

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, ipinagbawal ng gobyerno ang pagdaraos ng face-to-face classes.

Ngayong taon, matututo ang mga bata sa pamamagitan ng printed at digital modules, online classes, telebisyon at radyo.

Nauna nang ipinanukala ni dating Education Secretary Armin Luistro ang pagdaraos ng face-to-face classes para sa learners with special education needs.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.