Angkas driver, inireklamo ng pangmomolestiya ng pasahero sa QC

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Oct 07 2019 09:50 AM

MAYNILA - Kalaboso ang isang Angkas driver matapos molestiyahin umano ang kaniyang babaeng pasahero sa Quezon City noong Sabado.

Kwento ng biktimang si alyas Fianne, galing siya sa inuman sa bahay ng isang kaibigan sa Project 6, QC at nag-book pauwi sa Eastwood.

Subalit sa halip na agad ihatid sa bahay, pinaikot-ikot daw siya ng driver sa Katipunan at CP Garcia. 

Makailang beses silang huminto sa mga madidilim na bahagi ng kalsada, at dito na hinawakan ng driver ang maseselang bahagi ng katawan ng babaeng pasahero. 

Nang makakita siya ng tanod ng barangay, saka siya sumigaw kaya naaresto ang driver. Itinurn-over ng barangay sa Anonas Police Station ang suspek. 

Inirekomenda ng pulisya na kasuhan ang suspek ng acts of lasciviousness, at posible itong iakyat ng biktima sa mas mabigat na kasong rape.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.