ALAMIN: Mga rutang apektado ng ASEAN convoy dry run sa Oktubre 8 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga rutang apektado ng ASEAN convoy dry run sa Oktubre 8

ALAMIN: Mga rutang apektado ng ASEAN convoy dry run sa Oktubre 8

ABS-CBN News

Clipboard

Nag-abiso na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensiya na maaaring magkaroon ng abala sa daloy ng trapiko sa ilang kalsada ngayong Linggo, Oktubre 8 dahil sa isasagawang convoy dry run.

Ang nasabing convoy dry run ay kabilang sa mga paghahanda para sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Nobyembre.

Kabilang sa mga maaapektuhang ruta ang mga sumusunod:

• Southbound lanes ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX);
• North Luzon Expressway (NLEX);
• EDSA

Ayon kay Emmanuel Miro ng MMDA, ipatutupad ang modified stop and go scheme sa mga rutang dadaanan ng convoy.

ADVERTISEMENT

Inabisuhan niya rin ang publiko na planuhin na ang mga alternatibong ruta at iwasan ang mga apektadong lugar.

Pansamantalang isasara rin ang Roxas Boulevard southbound lane, mula P. Burgos Street hanggang Buendia, kabilang ang CCP complex, mula alas-2 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Ipatutupad din ang stop and go scheme kapag dadaan ang mga VIP at delegado ng ASEAN Summit.

Balik-normal naman ang daloy ng trapiko kapag nakadaan na ang convoy.

Ipatutupad din ang truck ban sa nasabing ruta.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.