Biyahe ng PNR Calamba-Lucena, umarangkada na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Biyahe ng PNR Calamba-Lucena, umarangkada na

ABS-CBN News
Published Oct 06, 2022 03:49 PM PHT

Simula ngayong October 6, aarangkada na ang biyahe ng Philippine National Railways train mula sa Calamba City hanggang Lucena City at pabalik.

Ayon sa PNR, ang Inter-Provincial Commuter Lucena - Calamba City ng PNR ay dudugtong sa una nang binuksan na San Pablo-Lucena City route.

Ang inisyal na schedule ay mayroon lamang tig-isang biyahe ng tren sa maghapon, araw-araw.

Aalis sa Lucena City ang tren na diretsong Calamba City tuwing alas 4:50 ng madaling araw at ang Calamba to Lucena naman ay tuwing alas 6:30 ng gabi.

Ang diretsong pamasahe ay nagkakahalaga ng P105 at P84 naman ang discounted fare para sa mga estudyante, PWD, at mga senior citizen. Mayroon ito ng 11 daraanang station.

Samantala ayon pa rin sa PNR, mananatili naman ang dati nang San Pablo-Lucena City and vice-versa schedule ng PNR na unang nang binuksan noong June 26.

-- Ulat ni Ronilo Dagos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT