TINGNAN: Modus ng mga 'basag-kotse' sa Malate, sapul sa CCTV | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Modus ng mga 'basag-kotse' sa Malate, sapul sa CCTV

ABS-CBN News
Published Oct 06, 2017 10:59 PM PHT
|
Updated Oct 06, 2017 11:16 PM PHT

Huli sa CCTV ang modus ng mga “basag kotse” na biniktima ang mga nakaparadang sasakyan sa labas ng mga hotel sa Maynila.

Sa kuha ng CCTV Huwebes ng madaling araw, naglalakad mula sa likod ng isang bus sa P-ocampo street sa Malate, Maynila ang isang lalaking nakikipag-usap sa telepono.

Sumisilip siya sa mga kotseng nakaparada lang sa labas ng isang hotel at nilampasan ang taong nagdidilig sa may labas.

Maya maya pa, lumusot na siya sa gilid ng isang SUV.

ADVERTISEMENT
Di nagtagal, naglabas siya ng flashlight at sunod sunod na sinilip ang bintana ng apat pang katabing sasakyang nakahilera sa labas ng isang hotel.

Di pa nakuntento at tumawid para sumilip din sa mga sasakyang nakaparada sa katapat na hotel.

Pagkatapos nito, bumalik siya sa unang paradahan at nilapitan na ang target na sasakyan. Sumenyas ang suspek at dumating ang isang naka-motor at binasag nila ang salamin ng kotse kaya’t umilaw na ito.

“’Yung biktima volleyball player ng UP, nasa loob siya ng hotel non,” ani Jaime Adriano, chairman ng Barangay 719.

Biyernes naman ng madaling araw nang makunan din ng CCTV sa nasabing lugar ang riding-in-tandem na tila sinusundan ang isang babae.

Iilang saglit pa, nakuha na ng naka-motor ang bag ng babae.

"Sinagi nila ako sabay hablot ng bag ko…laman non dalawang cellphone, wallet ko," ayon sa biktimang si 'Lea'.

Ayon kay Adriano, madalas daw sinusundan ng mga kawatan ang mga solo at babae “para hindi makahabol.”

Patuloy naman ang follow-up operation ng Malate police para madakip ang mga suspek.

-- Ulat ni Zyann Ambrosia, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT