Pamingwit, nakita sa tiyan ng pawikang namatay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pamingwit, nakita sa tiyan ng pawikang namatay

RJ Rosalado,
ABS-CBN News
Published Oct 05, 2018 02:47 AM PHT

ZAMBOANGA CITY - Natagpuan na palutang-lutang ang isang green sea turtle sa karagatan ng Sitio Santo Niño, Barangay Ayala, Zamboanga City Miyerkoles ng hapon.

Pero matapos ang halos 30 minuto ay namatay ang pawikan na tinatayang may edad na higit 35 taon.

Ayon kay Dr. Arnedo Agbayani, head ng Animal Health Division ng Zamboanga City Veterinarian’s Office, may nakuha silang hook sa internal organs ng pawikan sa isinagawang necropsy.

Posible umanong sinubukan itong hulihin gamit ang pamingwit hanggang sa maputol ang fishing line.

ADVERTISEMENT
May bigat ito na higit 90 kilo, haba na 94 sentimetro, at lapad na 54 sentimetro.

Itinuturing ang green sea turtle na vulnerable species o malapit nang bumaba ang populasyon

Dagdag ni Agbayani, madalas makikita ang mga green sea turtle sa Zamboanga Peninsula.

May mga nesting area malapit sa lugar kung saan nakitang palutang-lutang ang namatay na pawikan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang paghuli ng pawikan sa ilalim ng Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Kulong at multa ang kahaharapin ng mga lalabag sa batas.