Pagsusugat sa kamay ng ilang bata sa Marawi, idinulog sa DOH | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pagsusugat sa kamay ng ilang bata sa Marawi, idinulog sa DOH

ABS-CBN News
Published Oct 05, 2017 08:48 PM PHT
|
Updated Oct 06, 2017 01:37 AM PHT

Dahil sa kondisyon sa balat ay nahihirapan umanong mag-aral ang ilang estudyante ng Pendolonan Elementary School sa Marawi City.

Ayon sa punong guro na si Monaira Bitingan, napipilitan ang ilang batang gamitin ang isang kamay lang sa pag-aaral.

Nagtutubig na parang may nana ang kamay ng isang bata, habang nagkabutlig-butlig naman mula kamay hanggang braso ang ibang paslit.

Kuwento ni Bitingan, hindi nila alam kung paano nakuha ng mga bata ang sakit sa balat.
Kuwento ni Bitingan, hindi nila alam kung paano nakuha ng mga bata ang sakit sa balat.
ADVERTISEMENT
Nilagyan na nila umano ng gamot ang balat ng isang bata, pero tila lumala pa ang lagay ng kamay nito.

Hindi umano malinaw kung nakahahawa ang sakit sa balat, o kung naisasalin ang kondisiyon sa kamay ng mga bata dahil siksikan sila sa silid-aralan.

Sira ang tatlong classroom ng paaralan kaya siksikan sa ibang silid ang mga estudyante.

Ayon kay Col. Thomas Sedano ng Joint Task Group Tabang, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Health (DOH) para matingnan ang mga bata at mabigyan agad ng lunas.

Binabantayan din nila ang lagay ng kalusugan ng mga lumikas sa iba't ibang evacuation centers bunsod ng patuloy na bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at mga terorista sa siyudad.

Namigay ang Joint Task Group Tabang ng hygiene kits at school supplies sa mga batang apektado ng giyera sa Marawi.

Ayon sa grupo, kailangan din ng sapatos o tsinelas ng maraming batang naka-paa lang pumapasok sa eskuwelahan. -- Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
Marawi
MarawiClash
Marawi Clash
bakwit
evacuation center
kalusugan
health
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT