Mga halaman na marijuana, natagpuan sa lote ng gobyerno sa Cebu City | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga halaman na marijuana, natagpuan sa lote ng gobyerno sa Cebu City

Edgar Escalante,
ABS-CBN News
Published Oct 05, 2017 11:55 PM PHT

Aabot sa 315 na halaman na marijuana ang nakuha ng Cebu City Public Safety Company sa Sitio Jagimit sa Barangay Adlaon sa Cebu City, Huwebes ng hapon.

Aabot sa P95,000 ang kabuuang halaga ng natagpuang marijuana.

Mga concerned citizen ang nag-report sa mga pulis tungkol sa marijuana sa isang lupain sa Adlaon.

Ang mga tanim na marijuana ay nasa isang lote na pagmamay-ari ng gobyerno.
Ang mga tanim na marijuana ay nasa isang lote na pagmamay-ari ng gobyerno.
ADVERTISEMENT
Ayon kay Supt. Timmar Alam, hepe ng CCPSC, walang makapagsasabi kung sino ang nagtanim ng mga marijuana sa lugar.

Ibibigay ng CCPSC ang mga nakuhang marijuana sa Philippine Drug Enforcement Agency para sa disposal nito.