Medical technologist na online seller sa Albay, isa nang doktor | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Medical technologist na online seller sa Albay, isa nang doktor

Karren Canon,
ABS-CBN News
Published Oct 04, 2020 06:34 AM PHT

Hindi naging madali ang pinagdaanan ng online seller na si Edna Chico para maging duktor.

Pero nang pumasa sa kakalabas lang na resulta ng Physician Licensure Exam nitong Biyernes, walang mapasidlan ang kaniyang tuwa.

"Dreams do come true. Gaano man kahirap, gaano man ka-imposible, basta't handang magsakripisyo at magsumikap na maabot ito," ani Chico ng Barangay Poblacion, bayan ng Malilipot, Albay.

Ayon kay Chico ito ang ikalawang beses na kumuha siya ng exam nang hindi pumasa noong nakaraang taon.
Ayon kay Chico ito ang ikalawang beses na kumuha siya ng exam nang hindi pumasa noong nakaraang taon.
ADVERTISEMENT
Kuwento niya, elementarya pa lang siya nang mangarap maging doktor, pangarap na dala-dala niya hanggang sa mag-aral ng pre-med sa kursong medical technologist.

Tinustusan ang 4 na taon niyang pag-aaral sa tulong ng ama na nangibang bansa. Di kasi sapat ang kita ng kaniyang ina bilang guro para sabay-sabay silang pag-aralin sa kolehiyo ng magkakapatid.

Nang magtapos sa kolehiyo, agad naman siyang pumasa sa Medical Board of Technologist exam.

Pero ang pangarap na maipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina ay hindi na natupad dahil sa pinansiyal na pangangailangan.

Tumigil na rin kasi sa pagtatrabaho abroad ang kaniyang ama matapos magkasakit sa baga.
Tumigil na rin kasi sa pagtatrabaho abroad ang kaniyang ama matapos magkasakit sa baga.
ADVERTISEMENT
"Ang mahal kasi ng tuition talaga. Nasa P45,000 'yung tuition that time. Sabi ni mama, saan naman daw kami kukuha ng ganu'n. So talagang frustrated ako. Ang sama ng loob ko. Wala na. Wala na 'yung dream ko. No choice na talaga," ani Chico.

Kaya naman nagdesisyon siyang makipagsapalaran sa ibang bansa at magtrabaho bilang isang medical technologist.

Matapos ang 7 taon, bumalik din ng Bicol matapos makapag-asawa at manganak.

Isang taon matapos ang panganganak, nagdesisyon siyang muling mangibang bansa para makapag-ipon at makapag-aral ng medisina.

Nabigyan naman siya ng pagkakataon na makapag-aral ng medisina sa tulong ng scholarship program ng isang medical school sa Albay.

Pinagsabay-sabay niya ang pagiging nanay, pagtatrabaho bilang medical technologist at pagtitinda ng kung ano anong produkto at pagkain para masuportahan pa rin ang iba niya pang pangangailangan sa pag-aaral.

Hindi rin kasi sapat ang kita ng kaniyang asawang OFW.

"So talagang nag-start ako sa med school nagtinda na rin ako ng kahit ano-anong produkto o pagkain. Pinasok ko na ang online selling," kuwento niya.

"Hanggang ngayon nagtitinda pa rin ako. Kailangan ko kasi ng extra income. Ang bag ko talagang laging puno ng paninda. Actually nahirapan din ako na pagsabay-sabayin lahat pero, di ba, kapag talagang gusto mo matupad ang pangarap mo, talagang kailangang magsakripisyo."

Kaya ngayong ganap ng isang doktor, labis ang kaligayahan at pasasalamat ni Chico.
Kaya ngayong ganap ng isang doktor, labis ang kaligayahan at pasasalamat ni Chico.
ADVERTISEMENT
Nagbunga ang lahat ng kaniyang paghihirap at sakripisyo. Natupad ang pangarap na akala niya noo'y napaka-imposible.

Internal medicine ang specialization na gustong pasukin ngayon ni Chico.