DepEd nanawagan sa mga magulang na huwag sagutan ang modules | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DepEd nanawagan sa mga magulang na huwag sagutan ang modules

DepEd nanawagan sa mga magulang na huwag sagutan ang modules

Michael Delizo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA – Nanawagan ngayong Linggo ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na huwag sagutan ang work sheets ng mga estudyante, kundi gabayan lamang ang mga ito sa pagkatuto.

Sa online media forum isang araw bago magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan, sinabi ni Education Undersecretary Tonisito Umali na mahalaga ang gampanin ng mga magulang sa bagong set-up ng pag-aaral pero hindi nangangahulugang sila na ang aako sa mga gawain ng bata sa eskuwela.

“Hindi po sila ang dapat sasagot ng pagsusulit o takdang aralin o gawaing pang-upuan ng mga bata. Klaro po 'yan,” ani Umali.

Ayon kay Umali, nagkaroon naman na ng pagpupulong sa mga magulang kung paano gagabayan ang mga bata sa pagkatuto.

ADVERTISEMENT

May sistema rin aniya ang mga eskuwelahan para malaman kung naiintindihan nga ng mga estudyante ang aralin.

“Ang mahalaga po nito, siguruhin niyo lamang na sa paraan ng paggabay niyo ay natututo ang mga bata,” sabi ni Umali.

Nakatakdang mag-umpisa ang mga klase sa pampublikong paaralan bukas, Oktubre 5.

Dahil sa patuloy na banta ng COVID-19, magpapatupad ang mga paaralan ng distance learning, kung saan matututo ang mga bata mula sa kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng modules, online classes, telebisyon at radyo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.