Ilang preso sa Cebu, kumikita sa pagpapagawa ng parol para sa Pasko

ABS-CBN News

Posted at Oct 04 2019 12:31 AM | Updated as of Oct 04 2019 11:03 PM

Ilang parol na ginawa ng mga preso ng Lapu-Lapu city jail ang ibinandera sa harap ng media. Tumatanggap sila ng pagpapagawa hanggang Disyembre 24.

LAPU-LAPU, Cebu - Ilang preso sa city jail dito ang tumatanggap na ng "orders" mula sa iba't ibang establisimiyento na nagpapagawa ng parol, ngayong nalalapit na ang Pasko. 

Ayon sa isang preso na si "Sonny" na nangunguna sa livelihood project, ginagamit ang kanilang mga parol para sa mga opisina ng mga nagpapagawa.

Gawa sa cellophane, tin foil, bamboo sticks at iba pa ang kanilang mga parol. Ayon kay Sonny, tumatanggap sila ng custom-made design.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinakamura na ang P100 habang ang mga may ilaw ay umaabot hanggang P800. 

Ayon sa Lapu-Lapu Bureau of Jail Management and Penology, taunang gawain na ng mga preso ang pagpapagawa ng parol. Maliban sa diretsong may kita ang mga preso, meron silang ginagawa sa kanilang bakanteng oras.

Pwedeng magpagawa sa kanila hanggang Disyembre 24.

- Ulat ni Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.