Pag-imprenta ng balota para sa barangay, SK elections, sinimulan na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-imprenta ng balota para sa barangay, SK elections, sinimulan na

Zyann Ambrosio,
ABS-CBN News
Published Oct 03, 2022 05:22 PM PHT

Umarangkada na ang full operations ng pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office para sa Barangay at SK Elections (BSKE) bandang alas-11 Lunes ng umaga.

Ayon kay Commission on Elections spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ipinangako ng Comelec ay makapag-imprenta sila ng 92 million na balota sa loob ng 30 araw.

"We committed to deliver almost 92 million ballots in 30 days or so nakapag print na tayo ng test ballots. We can proceed to the full swing of all the 92 million ballots," aniya.

Dagdag ni Laudiangco, kaya nilang mag-imprenta ng tatlong milyong balota sa loob ng isang araw sa tatlo nilang printing machine. Ang isang makina ay kaya umanong mag-imprenta ng isang milyong balota kada araw.

“With this full swing we intend to optimize 1 million ballots per printer per day. All-in-all kayang kaya natin 3 million ballots per day," ani Laudiangco.

May mga pagsubok din silang nakikita tulad ng COVID-19 na pinaghandaan na rin umano nila kaya kumuha na ang Comelec ng mga karagdagang tauhan para rito.

"Ngayon, marami kami hinire so anybody at anytime pwedeng mag-replace, walang ine-expect na breakdown," ani Laudiangco.

Kabilang din sa inaasahang pagsubok ay ang pag-aayos ng makina sakaling magkaaberya ito.

"Yung regular servicing ng machine. Pagse-servicing unless major, normally 1 hour lang if minor," dagdag ni Laudiangco.

Handa rin umano silang mag-overtime o mag 24/7 duty kung kinakailangan base sa kanilang assessment.

"Hindi naman po necessarily 24/7, kasi yung 3 hours overtime kaya optimize 1 million ballot too," ani Laudiangco.

Sa ngayon, lagda na lang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hinihintay para sa panukalang inaprubahan ng dalawang sangay ng Kongreso na iurong ang BSKE sa huling Lunes ng Oktubre 2023, imbes na sa darating na Disyembre.

KAUGNAY NA ULAT
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT