Sunog sumiklab sa riles ng LRT-2; pagbabalik-operasyon di pa tiyak

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sumiklab sa riles ng LRT-2; pagbabalik-operasyon di pa tiyak

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 03, 2019 07:39 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Nananatiling nakatigil ang operasyon ng LRT-2 ilang oras matapos masunog ang bahagi ng riles nito sa Quezon City umaga ng Huwebes.

Dahil sa aberya, libo-libong pasahero ang naapektuhan sa tigil-biyahe ng LRT-2. Tinatayang nasa 200,000 tao kada araw ang gumagamit ng naturang tren.

Ayon kay Jerson Carillo ng Quezon City fire station, 11:19 ng umaga nang iulat sa kanila ang sunog.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog, na naapula bandang 11:38 ng umaga.

ADVERTISEMENT

Sa kuhang video ni Bayan Patroller Christopher Lopinac, makikitang umuusok ang ilalim ng riles sa pagitan ng Katipunan at Anonas Stations

Hindi pa matiyak ng Light Rail Transit Authority (LRTA) kung kailan maibabalik sa normal ang operasyon ng tren sa laki ng pinsala rito.

Ayon sa pamunuan ng LRT, posibleng nag-short circuit ang 2 rectifier ng LRT Line 2 sa Santolan at Katipunan Station.

Maihahalintulad ang rectifier sa transformer na kumokontrol sa daloy ng kuryente.

Walang naitalang nasugatan o iba pang establisimyentong naapektuhan ng sunog.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pero ang ilang pasahero, hati kung gagamitin muli ang LRT kasunod ng insidente.

"Papasok na lang po ako nang maaga tapos magji-jeep na lang po," pahayag ng pasaherong si Marian Dautil.

Ang pasaherong si Eric Panganiban, kampanteng maaayos pa ang LRT matapos ang nangyari.

"Siguro maaayos naman nila 'yun, and looking forward, sasakay pa rin ako," ani Panganiban.

Sa ngayon, iniimbestigahan ng LRTA ang sanhi ng pag-short circuit ng rectifier.

ADVERTISEMENT

Sa huling update, sinabi ng LRTA na wala munang operasyon ang linya sa Biyernes dahil peligroso ito hangga't hindi pa ganap na naaayos.

-- Ulat nina Zhander Cayabyab at Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.