2 nalunod sa creek sa Malabon | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 nalunod sa creek sa Malabon

2 nalunod sa creek sa Malabon

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 03, 2017 09:07 AM PHT

Clipboard

MANILA - Patay ang 2 lalaki matapos magkahiwalay na mahulog at malunod sa isang creek sa Longos, Malabon, Lunes ng gabi.

Nakipagkwentuhan pa ang unang biktima sa ilang residente na nakaupo sa gutter ng creek sa Lapu-Lapu Street bago siya mawalan ng balanse at mahulog.

"Noong nandoon na po siya sa tubig, sumisigaw pa siya ng 'Lubid! Lubid!'" sabi ng saksi na si Emily Ibañez.

Pahirapan naman ang pag-rescue sa biktima dahil sa kapal ng burak at basura sa creek na may lalim na 10 hanggang 15 talampakan. Nakadagdag din sa hirap ng operasyon ang dilim ng lugar.

ADVERTISEMENT

Naiahon ng rescuers ang lalaki nang makapa ang kanyang damit makalipas ang 2 oras.

"Wala kaming gamit na pang-scuba, hook po ang ginamit namin, sa kabilang gilid, para lang makita iyung bangkay niya," sabi ni Fire Officer 1 Dexter Avenido.

Kinumpirma naman ni FO1 Arbie Locahin na bago ang naturang insidente, isang lalaki rin ang nahulog sa creek dakong alas-10 ng gabi.

Sinubukan pa aniya i-revive ang biktima ngunit kalauna'y binawian din ng buhay.

Kapwa hindi pa nakikilala ang 2 biktima. Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.