Pulis na panay busina, kinuyog ng isa pang pulis at mga kasamahan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulis na panay busina, kinuyog ng isa pang pulis at mga kasamahan

ABS-CBN News
Published Oct 02, 2017 10:11 PM PHT

Dahil sa panay na pagbusina, kinuyog ang isang pulis-Pasay ng isang pulis-Mandaluyong at mga kasamahan niya.

Sa kuha ng CCTV, makikitang naglalakad sa gitna ng kalye sa kanto ng Evangelista Street at Recto sa Maynila ang isang lalaking nakilalang si Archmel Serrano.

Kasabay niyang naglalakad sa gilid ng kalye ang pulis-Mandaluyong na si PO1 Cedric Dela Cruz at tatlo pa niyang kasamahan.

Maya-maya pa, makikitang paparating ang isang itim na kotse.

ADVERTISEMENT
Ayon sa mga naroon, busina nang busina ang pulis dahil kulay berde na o naka-go ang traffic light pero mabagal na naglalakad sa gitna ng kalye ang limang tao.

Nang huminto ang sasakyan sa stop light, doon na umano kinompronta nina Dela Cruz ang driver na si PO2 Joseph Tayabas na naka-assign sa Pasay.

Lumabas ng kotse si Tayabas at nagtalo na ang dalawang pulis pati na ang apat na kasama ni Dela Cruz.

Pumagitna ang Manila Traffic and Parking Bureau at kinumbinsi si Tayabas na umalis.

Pero pagsakay ni Tayabas sa kotse ay pinagsusuntok siya ng isa sa mga kasama ni Dela Cruz.
Pero pagsakay ni Tayabas sa kotse ay pinagsusuntok siya ng isa sa mga kasama ni Dela Cruz.
ADVERTISEMENT
Nakasapak din maging si Dela Cruz.
Nakasapak din maging si Dela Cruz.
Nang pagtulungan si Tayabas, makikitang pinipigilan na ni Dela Cruz ang mga kasamahan.

Pero sinuntok, tinadyakan, at gusto pang kaladkarin papalabas ng kotse si Tayabas ng mga kasamahan ni Dela Cruz.

Nang maisara ni Tayabas ang pintuan ng kotse, nagtakbuhan na ang mga tao.

Ayon sa opisyal ng Barangay 308 na si Cesar Masbate, naglabas ng baril si Tayabas kaya nagtakbuhan ang grupo ni Dela Cruz.

Sinubukan ng ABS-CBN News na kunin ang panig ni Dela Cruz, pero ang mga magulang niya ang nakipag-usap at sinabing umawat lng daw ang kanilang anak.

Ayon naman sa ilang vendor, may gamit na bakal sa kamay ang isa sa mga kasamahan ni Dela Cruz nang suntukin ang side mirror ng kotse ni Tayabas.

Nagpunta na sa barangay si Tayabas para magreklamo at doon na lang niya nalaman na pulis pala ang isa sa mga nakaaway niya.

Inireklamo niya ang pulis ng pananakit, pagsira ng kaniyang sasakyan, at pagkawala ng kaniyang cellfone.

Dumating din sa barangay si Dela Cruz para magpaliwanag at nagsabing nais niyang makausap si Tayabas para ayusin ang nangyari.

-- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT