Bakasyon sa Baguio? Alamin ang mga panuntunan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakasyon sa Baguio? Alamin ang mga panuntunan

Bakasyon sa Baguio? Alamin ang mga panuntunan

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 01, 2020 11:28 AM PHT

Clipboard

Bukas na ang Baguio City sa mga turista mula sa Region 1 matapos matigil ang tourism operations sa lungsod dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Bukas na ang Baguio City sa mga turista mula sa Region 1.

Ibinahagi ni Baguio City Police Chief Allen Rae Co ang mga panuntunan na dapat sundin ng mga turistang pupunta roon.

Una, kailangang magparehistro ang mga turista sa website na "Visita Baguio" para sa QR code.

Dito i-a-upload ang mga resulta ng RT-PCR test, na isa sa mga requirement ng LGU para makapamasyal sa lungsod.

ADVERTISEMENT

Puwede rin namang pagdating na sa Baguio magpa-test, pero kailangang mag-quarantine habang hinihintay ang resulta.

May green lane din para sa mga turista sa checkpoint, kung saan dapat ipakita ang na-download na QR Code.

Dapat ding naka-book na ng hotel at tour agents at may itinerary na.

"Each one should have an individual QR code, maiisyuhan po ng QR code so upon presentation of the QR code, you will be asked or you will be mandated to proceed doon po sa triage area natin sa Convention Center sa Baguio at hindi pwedeng hindi kasi 'pag hindi sila dumaan at dumiretso sa hotel, upon presentation of their QR code, mababasa ng hotel na hindi pa sila dumaan sa triage, pababalikin din sila. So checkpoint, triage then hotel po for check-in," ani Co.

Bawal ang mga turistang senior citizen pero pinapayagan na ang mga bata.

Sa hiwalay na panayam sa Teleradyo sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na posibleng dadagdagan nila ang mga turistang puwedeng umakyat sa Baguio sa mga susunod na linggo.

Sa ngayon, 487 na ang nagparehistro sa Visita Baguio Website at 66 dito ang may travel request.

Ayon pa kay Magalong, sa Baguio City isinasagawa ang pilot testing ng Antigen test.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.