Pulisya naghahanda para sa seguridad sa paghahain ng COC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pulisya naghahanda para sa seguridad sa paghahain ng COC

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published Sep 30, 2021 11:52 AM PHT
|
Updated Sep 30, 2021 12:24 PM PHT

Police assigned to enforce security at the Cultural Center of the Philippines complex conduct a formation near the Sofitel Phil. Plaza a day before the filing of COCs for #Halalan2022 national candidates there. pic.twitter.com/58I8u3tps4
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) September 30, 2021

MAYNILA— Nakahanda na ang daan-daang pulis para ipatupad ang seguridad sa loob at paligid ng pagdarausan ng filing of certificates of candidacy (COC) para sa Halalan 2022.

Gaganapin ang filing ng kandidatura para sa mga pambansang puwesto sa isang tent sa Sofitel Philippine Plaza sa CCP Complex sa Pasay City simula Biyernes.

Nagsagawa ng formation sa Manila Film Center Huwebes ng umaga ang mga pulis mula sa lungsod Pasay, Southern Police District (SPD), National Capital Region Police Office (NCRPO), at mga bahagi ng iba pang unit gaya ng Highway Patrol Group at SWAT.

Inaasahang magsasagawa ng simulation exercises o dry run ngayong araw para sa filing.
Inaasahang magsasagawa ng simulation exercises o dry run ngayong araw para sa filing.
ADVERTISEMENT
Pumuwesto rin ang mga armored personel carrier ng PNP Special Action Force pati mga ambulansiya at mobile command center mula sa lokal na pamahalaan.

Magsisilbing ground commander para sa buong linggo ng filing si Police Col. Manuel Javier Abrugena, deputy district director for operations ng SPD.

Binigyan niya ng paalala ang mga pulis na tiyakin ang kaligtasan ng publiko at seguridad ng mga personalidad na darating sa lugar.

Unlike in previous elections, access to the COC filing venue for #Halalan2022 will be limited due to COVID-19 restrictions. pic.twitter.com/gTvyZ2qId4
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) September 30, 2021
Unlike in previous elections, access to the COC filing venue for #Halalan2022 will be limited due to COVID-19 restrictions. pic.twitter.com/gTvyZ2qId4
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) September 30, 2021
Kasama rin sa mga made-deploy sa filing ang mga tinaguriang “social distancing patrollers” na titiyak na masusunod ang health protocols lalo na sa loob ng venue.

Dahil sa pandemya, isasagawa ang filing sa ibang lugar bukod sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros.
Dahil sa pandemya, isasagawa ang filing sa ibang lugar bukod sa tanggapan ng Commission on Elections sa Intramuros.
ADVERTISEMENT
Limitado ang mga papapasukin dito maging sa mga kampo ng mga kandidatong darating.

Ipatutupad din simula alas-5 ng madaling-araw ng Biyernes ang isang-linggong one-way traffic scheme sa CCP Complex, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority(MMDA).

Sakop nito ang mga kalye ng A. Dela Rama (V. Sotto to Buendia), Buendia (A. Dela Rama to Jalandoni), at Jalandoni (Buendia to V. Sotto).

KAUGNAY NA BALITA:
Read More:
Halalan 2022
police
Halalan 2022
COC filing
COC filing security
CCP Complex
Sofitel
Sofitel Philippine Plaza
Comelec
PNP
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT