Mga Pinoy-Dutch visual artists bumida sa art exhibit sa The Hague | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga Pinoy-Dutch visual artists bumida sa art exhibit sa The Hague

Mga Pinoy-Dutch visual artists bumida sa art exhibit sa The Hague

Jofelle Tesorio | TFC News Netherlands

Clipboard

THE HAGUE - Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang apat na Filipino-Dutch artists sa isang exhibit sa Kalayaan Hall sa Philippine Embassy sa The Netherlands, kung saan naipakita ang galing ng mga Filipino artists.

Ang Kalayaan in Full Color Exhibition na naglalayong ipakilala sa mga Dutch ang kulturang Pilipino at talento ng ating mga kababayan. Iba-iba ang istilo at talento ng apat na Filipino-Dutch visual artists.

Mula sa obra ng makasaysayang labanan sa Mactan, kung saan napatay ni Lapu-Lapu si Magellan, hanggang sa kilalang mambabatok na si Wang-od.

Mambabatok

“In this exhibit, friends, ladies and gentlemen, we are featuring four Filipino-Dutch artists whose talents and creativity are truly remarkable,” sabi ni Ambassador J. Eduardo Malaya, Philippine Embassy-The Hague.

ADVERTISEMENT

Tampok sa exhibit ang mga sining nina Victor ‘Torbik’ Cantal, Maricel ‘Chelony’ Lelieveld, Jessamine ‘JV’ Totanes, at Marites Van Vianen.

APAT NA SIKAT
Bida sa exhibit ang sining nina Victor ‘Torbik’ Cantal, Marites Van Vianen, Jessamine ‘JV’ Totanes-Wiersema at Maricel ‘Chelony’ Lelieveld.

Angat din ang temang Pinoy sa mga painting ni Victor Cantal. Bukod kay Lapu-Lapu, kabilang sa kanyang obra ang “Manila Nostalgia,” “Igorot” at “Larawang Kupas,” isang graphite portrait ng mapa ng Pilipinas.

“The lack of facts about Lapu-Lapu and what happened during that day might have deprived us of an accurate picture but it didn’t matter as it also become a favorite source of depiction among artists –my painting!” sabi ni Cantal.

Sa oil paintings naman ni Chelony Lelieveld, kitang-kita ang realism at pop-art.

Calachuchi

“Realism po ang aking style. Na-inspire ako sa mga pinupuntahan kong lugar gaya ng Marinduque,” sabi ni Maricel ‘Chelony’ Lelieveld, visual artist.

ADVERTISEMENT

Ang urban sketcher naman na si Jessamine Totanes, buhay-Pilipinas ang tema na may matitingkad na kulay. Gaya ng impressionist paintings na “Somewhere in EDSA,” at “Mamang Sorbetero.”

EDSA

“For me, art is not just about the person who makes art, but also about the person who looks at your art. You fill it in and that’s what I want to do,” sabi ni Totanes-Wiersema, visual artist. Ipininta rin niya ang embahada sa The Hague.

Ayon kay Ambassador Malaya magkakaroon ito ng lugar sa loob ng gusali ng chancery. Kasaysayan at kulturang pinoy naman ang sinasalamin ng obra ni Marites Van Vianen.

SALAKOT

Kabilang dito ang “Mangyan,” “Sandugo” at “Salakot” na pinaaalala ang kanyang childhood memory sa Mindoro, kung saan siya lumaki.

“It’s a diversity of artworks that’s very impressive, the different styles you seen and some works are thought-provoking and very powerful,” sabi ni Boris Jelenjev, Dutch art enthusiast.

ADVERTISEMENT

Bukas sa publiko ang Kalayaan in Full Color Exhibition hanggang September 30, 2022.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Europa, Gitnang Silangan at Africa, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.

Read More:

TFC News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.