Bangkay natagpuan sa nakaparadang kotse sa Calamba | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bangkay natagpuan sa nakaparadang kotse sa Calamba

ABS-CBN News
Published Sep 29, 2020 05:55 PM PHT

Isang patay natagpuan sa loon ng nakaparadang kotse sa Purok 1, Brgy. Lawa, Calamba City, Laguna ngayong umaga š·: Calamba City PNP pic.twitter.com/ECUU01k9Yw
ā Dennis Datu (@Dennis_Datu) September 29, 2020

Natagpuan nitong umaga ng Martes ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng nakaparadang sasakyan sa Calamba City, Laguna.

Ayon kay Alfredo Sevilla, tanod sa Barangay Lawa, napansin ng mga residente ang tumutulong dugo sa loob ng kotse at nang silipin ay nakita ang bangkay.

Base sa natagpuang ID, nakilala ang biktima bilang si Dennis Silva, empleyado ng LSB Boutique sa San Pedro, Laguna, ani Police Maj. Dexter Domingo, deputy chief ng Calamba police.

Nakatali ang mga kamay at paa ng bangkay, at may mask ang mukha nito nang matagpuan.

ADVERTISEMENT
Posibleng namatay umano ang biktima sa pamamagitan ng sakal dahil may nakapulupot na electrical wire sa kaniyang leeg. Nakitaan din siya ng sugat sa ulo.

Sa kuha ng closed-circuit television camera ng barangay, makikita na alas-9:24 ng gabi noong Lunes nang pumarada ang sasakyan malapit sa isang vulcanizing shop.

Makalipas ang ilang saglit ay 2 lalaki ang magkasunod na bumaba ng kotse at naglakad palayo.

Nakarehistro umano ang kotse sa isang babaeng taga-Quezon City.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa insidente.

ā Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT