Dating tanod tinadtad ng bala sa harap ng maraming tao sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Sep 29 2019 03:22 PM

MAYNILA — Isang lalaki ang pinagbabaril ng mga salarin na sakay ng motorsiklo sa Barangay 484, Maynila, kahit pa maraming tao ang nakapaligid dito.

Kinilala ang biktima bilang si Leo Pilapil, dating tanod sa barangay. 

Sa kuha ng CCTV, kitang nakaistambay lang si Pilapil sa tabi ng tricycle nang dumating ang 3 riding-in-tandem.

Doon ay kitang-kitang pinaulanan ng bala ang biktima at kahit pa bumulagta na ito ay tinadtad pa rin siya ng putok. 

Ang nakabibigla pa, ginawa ang krimen sa harap ng maraming tao. 

"Nagulat na lang kami biglang nagputukan, akala namin nag-aaway lang," ani Josephine Cruz, kagawad sa Barangay 484.

Sa pag-iimbestiga, nalamang pinagbitiw pala sa puwesto bilang tanod si Pilapil dahil dawit umano ito sa droga.

Isa ito sa sinisilip na motibo sa pamamaril. 

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen. —Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.