Mga Pilipino sa Singapore, inalala ang sinaunang maritime trade sa Asya | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga Pilipino sa Singapore, inalala ang sinaunang maritime trade sa Asya

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Singapore
Published Sep 28, 2022 04:31 PM PHT

SINGAPORE - Binisita ng mga kawani ng Embahada ng Pilipinas sa Singapore at ng kanilang mga pamilya ang Asian Civilisations Museum o ACM noong September 25, 2022. Layon nitong madagdagan ang kaalaman at kamalayan ng mga Pilipino sa maritime at archipelagic concerns sa rehiyon kaalinsabay na rin ng pag-o-obserba sa Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month o MANA Mo.

Ang ACM ang natatanging museo sa buong Southeast Asia na nakatuon sa artistic at divers heritage ng Asian civilizations. Mayroon silang koleksyon ng Maritime Trade Gallery at ng Tang Shipwreck (Khoo Teck Puat Gallery).

Nagbigay ng tour ng mga nasabing gallery sa museo para sa mga kababayan ang isang Pilipinong volunteer na si Mark Fillon. May tema ang gallery na “Trade and the Maritime Silk Routes” na nasa unang palapag ng gusali.

Ang Maritime Trade Gallery ay naglalaman ng mga ceramics mula China, Japan at iba pang bansa sa Southeast Asia. Mayroon ding iba-ibang kasangkapan at decorative arts na karamihan ay ginawa pa para sa export market noong 9th at 20th century. Kabilang din sa mga nakadisplay ang mga sinaunang mapa ng Hong Kong, Canton, Shanghai, Batavia, Nagasaki, at Manila.

Habang sa Tang Gallery naman makikita ang mga gamit mula sa Tang Shipwreck na natagpuan sa Indonesia taong 1998. Ayon pa sa Embahada, isa ang Tang Shipwreck sa mahahalagang archaeological discoveries na nagpapakitang ang Asya ay naging sentro ng global trade noong 9th century.

“The key to understanding the region lies in an appreciation of its archipelagic nature. The tour of the Galleries underscored how the early economic and trade ties along a busy sea route, called the ‘Maritime Silk Route’ – have led to the exchange of technologies, artistic ideas, and contacts between peoples of different cultures,” pahayag ni Chargé d’ Affaires, a.i. Emmanuel R. Fernandez.

Matapos ang pagbisita sa museo, nagsalu-salo ang mga Pilipino sa ACM grounds malapit sa Singapore river.