DOH ipinaliwanag kung bakit naantala ang paglalabas ng datos sa COVID-19 deaths | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

DOH ipinaliwanag kung bakit naantala ang paglalabas ng datos sa COVID-19 deaths

DOH ipinaliwanag kung bakit naantala ang paglalabas ng datos sa COVID-19 deaths

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 28, 2021 06:53 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinaliwanag ng Department of Health (DOH) kung bakit hindi ito nakapaglabas ng datos ng mga namatay sa COVID-19 nitong weekend.

Ayon sa DOH, 3 magkakasunod na araw silang walang nailabas na datos ng COVID-19 deaths dahil nagkaroon ng technical issue ang COVIDKaya o ang pinagkukuhanan ng mga numero ng mga namatay at gumaling sa sakit.

Napuno umano ang server ng COVIDKaya.

"The reason provided to us was that the sever already reached capacity. Right now, DICT (Department of Information and Communications Technology) is trying to identify immediate fixes para lumaki 'yong server capacity natin," ani Dr. Alethea de Guzman ng DOH Epidemiology Bureau.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ahensiya, unti-unting lalabas ang datos ng mga namatay na hindi pa naisasapubliko.

Nitong tanghali ng Martes, inanunsiyo ng DOH na may 102 dagdag sa mga nasaiw sa COVID-19.

Hindi naman apektado ng aberya sa COVIDKaya ang datos ng mga bagong kaso dahil nakukuha ng DOH ito sa COVID data repository system, kung saan isinusumite ng mga laboratoryo ang listahan ng kanilang mga na-test.

Pero RT-PRC tests pa lang ang kasama sa sistema at hindi pa kasama ang resulta ng mga sumailalim sa antigen test.

Matatandaang inatasan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang DOH sa National Capital Region (NCR) para tumulong sa registration ng mga pasilidad na gumagamit ng antigen test upang maisama na rin ang mga nagpositibo dito sa inilalabas na report ng DOH ng mga bagong kaso.

ADVERTISEMENT

"Sa ngayon, we're in that process of checking the compliance of the LGUs (local government unit)," ani De Guzman.

Bagaman nakitaan na ng pagbuti ang COVID-19 data sa ilang rehiyon at Metro Manila, nais umano muna ng DOH na obserbahan ito nang mas matagal para matiyak na talagang pababa na ang bilang ng mga nahahawahan ng COVID-19.

Base naman sa mga binabantayan na metrics tulad ng bilang ng mga kaso at porsiyento ng mga kamang okupado, lumalabas na dapat pa ring manatili sa Alert Level 4 ang NCR.

Sang-ayon ang Philippine College of Physicians sa pagpapanatili sa NCR sa naturang alert level, na nakatakdang matapos sa Setyembre 30.

"Kung pupuwede sana ma-maintain muna natin sa Alert Level 4 para talagang mapababa pa natin nang husto itong mga kaso natin," ani Dr. Maricar Limpin.

ADVERTISEMENT

Inaasahang malalaman kung magbabago o mananatili ang alert level sa Metro Manila ngayong linggo.

Pero kahit bumuti pa ang lagay ng datos ng COVID-19, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna dapat umasa ang publikong babalik agad sa normal ang lahat.

"Mga ano pa siguro, two to three years. Pero 'pag ang mga tao mag — nandiyan ang bakuna, magpabakuna na kaagad. At least ma-minimize na and we can achieve the herd immunity, which is a long shot," ani Duterte.

Nasa 80 hanggang 90 porsiyento ng populasyon ang dapat mabakunahan para makamit ang herd immunity.

Pero ipinaliwanag ni Jomar Rabajante ng University of the Philippines COVID-19 Pandemic Task Force na tila malabo ito lalo't malaking bahagi ng populasyon ang kabataan, na sa ngayo'y hindi pa kasama sa priority na mabakunahan.

— Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.