3 nursing student patay sa pananaksak sa Caloocan | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

3 nursing student patay sa pananaksak sa Caloocan

3 nursing student patay sa pananaksak sa Caloocan

ABS-CBN News

 | 

Updated Sep 29, 2020 08:48 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Natagpuang patay noong Linggo ang 3 nursing student sa Caloocan City matapos umanong saksakin ng mga construction worker, ayon sa pulisya.

Hawak na ng Caloocan police ang 2 construction worker na itinuturing na persons of interest sa krimen habang may 2 pang suspek na pinaghahanap.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Mona Ismael, Glydel Belonio, at Arjay Belencio, na natagpuang patay sa isang makeshift na bahay.

Ayon kay Levan Belencio, ama ni Arjay, pinatira ng kaniyang kapatid na nasa London si Arjay pati ang kaibigang si Belonio para magbantay sa pinapagawang bahay nito.

ADVERTISEMENT

Ang isa pang biktimang si Isamel ay nakitira rin sa 2 kaibigan para makapag-review sila sa darating na nursing board exam.

Ayon kay Dario Menor, hepe ng Caloocan police, natuklasan ni Arjay ang ginagawang panloloko ng ilang constructioner worker sa kanila.

Kasama umano rito ang pagpapatong ng malaking halaga sa binibiling construction materials at paggamit ng marijuana.

Pagnanakaw ang isa sa tinitingnang motibo sa krimen dahil nawawla ang 2 ATM ni Arjay, ani Menor. Laman umano ng ATM ang perang panggastos para sa pagpapagawa ng bahay.

Samantala, naaresto rin ng Caloocan police ang isang lalaki na taga-Maynila na sinasabing pumatay sa isang call center agent sa lungsod noong Setyembre 11.

ADVERTISEMENT

Sinaksak umano ng suspek na si Jerome Tayubong ang biktima matapos itong pagnakawan.

Nagtamo ng 30 saksak ang biktima.

Ayon sa pulis, nagpanggap na taong may hinahanap sa lugar ang suspek kaya pinagbuksan ng biktima ng pinto. -- Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.