Barangay, SK elections sa Taal Volcano Island kinuwestiyon | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barangay, SK elections sa Taal Volcano Island kinuwestiyon

Dennis Datu,
ABS-CBN News
Published Sep 27, 2023 12:17 PM PHT

BATANGAS — Sa pagputok ng Bulkan Taal noong Enero 2020, nabalot ng makapal na abo ang Taal Volcano Island.

Napilitang lisanin ng mga residente ang isla, at hindi na rin sila pinayagang makabalik matapos ideklara ng gobyerno na permanent danger zone na ang lugar.

Sakop ang Taal Volcano Island ng mga barangay ng Alas-as at Pulang Bato sa bayan ng San Nicolas, at Barangay Calawit sa Balete.

Kaya kinukuwestiyon ngayon ni San Nicolas Mayor Lester de Sagun kung bakit may magaganap pang halalan sa barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa nasabing mga barangay gayong higit tatlong taon nang walang naninirahan dito.

ADVERTISEMENT
"Papaano sila gagawa ng batas, ano ho ang kanilang gagawan ng batas, ngayon sila ay nasa bayan ng Ibaan?" ani De Sagun.

Naninirahan na sa iba-ibang bayan ang mga dating residente ng Taal Volcano Island.

Isa umano sa requirements ng Commission on Elections (Comelec) para makapag-file ng certificate of candidacy ay dapat may isang taon nang naninirahan sa sa lugar habang ang botante naman ay dapat may anim na buwan nang residente.

Pero iginiit ni Jocelyn Bayanay, incumbent chairman ng Alas-as at tumatakbo muli sa parehong posisyon, na kahit wala na silang teritoryo sa Taal Volcano Island ay kailangan pa rin sila ng kanilang mga kabarangay kahit sila ay naninirahan na sa ibang bayan.

"Dahil po 'yong aming mga tao ay kailangan pa rin ng bilang katulad namin na nanunungkulan, na may mapaghihinaingan dahil hindi po sila sanay sa ibang lugar kapag may emergency na walang lalapitan," ani Bayanay.

Nais ni De Sagun na buwagin o i-abolish na ang mga nasabing barangay maging ang mga presinto nito.

"Ngayon kung sasabihin po ng ating mga kababayan na nakarehistro sa Alas-as at Pulang Bato ay mawawala ang karapatan nila ng pagpili ng mga lider," ani De Sagon.

Tutol naman si San Nicolas Vice Mayor Napoleon Arceo at ang presidente ng Samahan ng mga Barangay na buwagin na ang mga barangay sa Taal Volcano Island.

"Ang totoo niyan, by virtue of [Presidential Decree No.] 235 during the eruption of 1965 idineclare na rin 'yan... na-abolish na 'yan ay bumalik pa rin ang mga tao dahil ang hanapbuhay ng tao ay nariyan," ani Arceo.

"Paniwala ko babalik at babalik [ang mga tao] kapag tumahimik na [ang bulkan]," dagdag niya.

Para naman kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, wala silang kapangyarihan na mag-dissolve ng mga barangay kaya tuloy pa rin ang halalan sa nasabing mga barangay.

Ayon kay Garcia, kung nasaang bayan na nakatira ang mga residente ng Taal Volcano Island ay doon na lamang papabotohin, gaya nang nangyari sa Marawi City nang magkaroon ng bakbakan doon.

"Alam na rin po namin kung saan sila doon po kami magpapaboto," ani Garcia.

"Therefore tama lang po na nagpa-file kami ng candidacy para sa mga barangays na ito. Hindi naman po permanente na talagang wala ng titira doon," dagdag niya.

Pero ayon kay Mayor De Sagun, iba ang situwasyon ng Marawi kaysa Taal Volcano Island na isang permanent danger zone.

Para naman sa Department of the Interior and Local Government sa San Nicolas, dapat ang Sangguniang Panlalawigan ng Batangas ang kumilos para mabura na ang mga barangay sa Taal Volcano Island.

Sa Barangay Pulang Bato, isa ang tumatakbo bilang barangay chairman, walo ang barangay kagawad, isa sa SK Chairman at dalawa sa SK Kagawad.

Sa Barangay Alas-as naman ay dalawa ang maglalaban sa pagka-barangay chairman, 14 sa kagawad, dalawa sa SK Chairman at dalawa sa SK kagawad.

RELATED VIDEO
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
rehiyon
regions
regional news
Batangas
San Nicolas
Taal Volcano Island
Taal eruption
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT