Sen. Pia Cayetano, ikinagalit ang 'di pag-100 pct face-to-face classes ng SUCs | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

Sen. Pia Cayetano, ikinagalit ang 'di pag-100 pct face-to-face classes ng SUCs

Sen. Pia Cayetano, ikinagalit ang 'di pag-100 pct face-to-face classes ng SUCs

Jasmin Romero,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA - Nagalit si Sen. Pia Cayetano ngayong Martes sa hindi pag-full face-to-face classes ng maraming state universities at colleges.

Partikular na nabuntunan ng galit ni Cayetano si University of the Philippines President Danilo Concepcion matapos niyang idahilan na ang kanilang pagbe-blended learning ay dahil sa kautusan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City.

Dahil dito, nagbigay-babala ni Cayetano sa isinagawang hearing ng Committee on Finance sa Senado.

"You want budget? Show me you’re making an effort to do the most basic — allow the students to have face-to-face classes. Show me you are making that effort. Because otherwise, I’ll focus my efforts where it is most appreciated," ani Cayetano.

ADVERTISEMENT

Unang naitanong ni Cayetano kung bakit iilan lang ang naka-full face-to-face classes na mga state universities and colleges kahit hindi na umano ito pinagbabawalan ng CHED o IATF.

"Sa Diliman po, lahat ng lab classes ay face-to-face na. But in compliance with the physical-distance rules being implemented by Quezon City, hindi pa rin po nagpapalit ng rules ang Quezon City government," sabi ni Concepcion.

Tila dito na nagpanting ang tenga ni Cayetano dahil baligtad umano ito sa sinasabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa kaniya.

Tinangka ni Concepcion na magpaliwanag.

"I don't know about the text of Joy Belmonte. It is true that 'di naman nila pinagbabawal ang face-to-face. Pero sa aking pagkakaalam, 'di pa nila nili-lift ang physical distancing doon sa loob ng kuwarto. So I have to call her," ani Concepcion.

Dagdag pa niya, nakatakda siyang makipagpulong sa mga world universities para pag-usapan ito kung dapat bang baguhin ang istilo ng pagtuturo.

IBA PANG BALITA

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.