'Kaugnayan sa NPA' ng naarestong Chinese, pinasisilip | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Kaugnayan sa NPA' ng naarestong Chinese, pinasisilip

ABS-CBN News
Published Sep 27, 2018 09:46 PM PHT

Inutusan ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang paratang ng militar na tagasuporta ng New People's Army (NPA) ang isang naarestong Chinese sa Teresa, Rizal.

Sinalakay noong Martes ng NBI at Philippine Army ang ang isang sakahan sa Teresa kung saan naaresto si Lily Ong at nakuha ang ilang armas.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, wala pang katibayang nahahanap para sabihing may koneksiyon si Ong at ang mga nakumpiskang baril sa NPA, maging sa "Red October" plot o iyong plano umanong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

"What we know from the very beginning is illegal possession ito and they are keeping firearms," ani Lavin.
"What we know from the very beginning is illegal possession ito and they are keeping firearms," ani Lavin.
ADVERTISEMENT
Pero ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, konektado si Ong sa mga rebelde at ginagamit pa raw na taguan ng mga lider nito ang kaniyang bahay.

"'Yong report po sa atin na nagsasabi na siya ay sumusuporta sa teroristang grupong NPA at 'yon nga pong kaniyang bahay ang pinagtataguan o pinaglulunggaan ng top NPA leaders," ani Arevalo.

Iniimbestigahan naman ng Philippine National Police ang mga pulis na binayaran daw ni Ong para maging bodyguard niya.

Paliwanag ni Ong, bukod sa mga pulis, kilala rin siya ng mga pulitiko sa lalawigan dahil sa mga alaga niyang buwaya.

Pero wala raw aniya siyang kilalang NPA.
Pero wala raw aniya siyang kilalang NPA.
ADVERTISEMENT
'RED OCTOBER' PLOT
Ayon kay dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, dapat ipaliwanag ng militar kung paano nila nakonekta ang Liberal Party, Bagong Alyansang Makabayan, NPA at iba pang grupo sa planong "Red October."

"I-demand natin 'yong katotohanan, i-demand natin 'yong ebidensiya. Itong kung ano-anong paratang na lumalabas sa gobyerno. And lastly, huwag tayong matatakot," ani Casiño.

Maging si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay nagulat na nadawit ang kaniyang pangalan sa ouster plot gayong hindi naman daw siya nagtawag ng pag-aaklas o pagbaba sa puwesto ng pangulo.

"Huwag magbigay ng fake news. Punong-puno na po tayo ng fake news," ani Sereno.

Ayon naman sa Malacañang, dapat beripikahin din ng AFP ang napabalitang ilang sundalo na ang sumanib sa ouster plot.
Ayon naman sa Malacañang, dapat beripikahin din ng AFP ang napabalitang ilang sundalo na ang sumanib sa ouster plot.
ADVERTISEMENT
Pero ayon kay Department of the Interior and Local Government officer-in-charge Eduardo Año, hindi kailangang mag-"loyalty check" o subukin ang katapatan ng mga uniformed personnel dahil kampante silang hindi sasama ang mga ito sa kudeta o destablization plot.

--Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
krimen
illegal possession of firearms
Teresa
Rizal
New People's Army
Red October
ouster plot
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT