Mga pulis sa Abra tumutulong sa pag-aaral ng mga bata | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pulis sa Abra tumutulong sa pag-aaral ng mga bata

ABS-CBN News
Published Sep 26, 2021 01:00 PM PHT
|
Updated Sep 26, 2021 01:31 PM PHT

Tila hindi na lang mga problema sa seguridad ang maaaring idulog sa mga pulis dahil puwede na rin silang lapitan ng mga estudyanteng may emergency sa kanilang mga assignment.

Ito ang ipinakita ng ilang pulis mula Abra, na hinangaan sa social media matapos kumalat ang kanilang pagtulong sa mga bata habang sumasagot ng mga learning module.

Ayon kay Patrolman Mark Benedicto, isa sa mga pulis, nagsasagawa sila ng community visitation sa Barangay Ud-udiao, Sallapadan nang madatnan ang mga estudyanteng nahihirapan sa pagsagot ng mga module.

"Nakita namin na nandoon sila, sumasagot sa module. Kaya ginawa na namin 'yon (tinuruan sila), bilang pagtulong sa kanila at gusto rin namin kasi mapalapit sila sa'min," kuwento ni Benedicto ngayong Linggo sa panayam ng TeleRadyo.

ADVERTISEMENT
Naniniwala naman si Patrolman Ireneo Langngag Jr. na malaki ang kanilang naitutulong sa mga estudyante — na mula Grade 3 hanggang 5 — lalo't abala ang mga magulang ng mga ito sa paghahanapbuhay.

"'Yong parents nila, alalang-alala sila sa pagpunta sa bukid araw-araw at hindi nila gaano maasikaso 'yong mga bata sa mga module nila," aniya.

Ipinagbabawal pa rin kasi ang malawakang pagsasagawa ng face-to-face classes sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19 kaya patuloy ang pagpapatupad ng distance learning sa mga paaralan.

Ayon naman kay Patrolman Jerol Corce, public information officer ng 2nd Abra Provincial Mobile Force Company, kasama talaga sa trabaho ng mga pulis ang pagtugon sa pangangailangan ng komunidad.

"In line siya sa trabaho namin na police community relations. Hinihingi namin ano kailangan ng community, tapos tinutugunan namin," ani Corce.

Ayon din kay Corce, mayroon din namang mga guro na nasa hanay ng mga pulis kaya tiyak na tama naman ang kanilang mga itinuturo sa mga estudyante.

Nagpapasalamat ang mga pulis sa lahat ng mga sumuporta at humanga sa kanila.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
edukasyon
education
Philippine National Police
distance learning
remote learning
School Year 2021-2022
rehiyon
regions
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT